Sa iskalang isa hanggang sampu, binigyan ni Senate President Vicente Sotto III ng iskor na 8.5 si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pamamalakad nito bilang pangulo ng bansa sa nakalipas na apat na taon.
“On a scale of 1-10, 10 being the highest, the President, in my scorecard gets 8.5 from war on drugs up to the time of Covid-19 (Sa iskalang 1-10, bilang 10 ang pinakamataas. binibigyan ko ng iskor na 8.5 ang pangulo mula noong giyera kontra dogra hanggang sa panhon ng Covid-19,” ani Sotto.
Ayon kay Sotto, ginawa umano ni Duterte ang makakaya upang mapabuti ang buhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng estilong kamay na bakal na bihira lamang ipamalas umano ng isang pangulo.
Samantala, ayon naman kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ang estilo ng pamamalakad ni Duterte ay akma lamang aniya para sa mga Pilipinong matitigas ang ulo.
“He should continue to prioritize his build, build, build program in the remaining 2 years of his presidency in order to help our economy bounce back and for him to leave a concrete and lasting legacy behind (Dapat niyang bigyang prayoridad ang build, build, build program sa natitirang dalawang taon ng kanyang termino upang matulungang ibangon muli ang ekonomiya at upang makapag-iwan siya ng marka),” giit ni dela Rosa.
Idinagdag naman ni Sotto na nakatulong si Duterte sa pagpapatahimik ng mga separatista at terorista sa Mindanao.
“He has contained the half century communist insurgency. Criminals syndicates have laid low (Napigilan niya ang kalahating siglong banta ng komunismo. Tumahimik din ang mga kriminal),” wika nito.
Nang taungin kung ano ang dapat bigyang prayoridad ni Duterte sa ngayon, sinabi ni Sotto , “We must relieve ourselves from the problem of pandemic and then of course continue with the economic gains that have been in place before the Covid-19 [pandemic] and then of course address the transportation issues of the country and retain, and gain more, as far as peace and order is concerned (Dapat lutasin natin ang pandemiya at ipagpatuloy ang mga magagandang hakbang sa ekonomiya na sinimulan noong bago pa magkaroon ng Covid-19 pandemic. Dapat ding bigyang lunas ang isyu sa transportasyon at kapayapaan).”