Jeepneys na hindi awtorisadong bumiyahe, maaaring suspendihin o i-disqualify

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Posibleng suspindehin o i-disqualify ang mga tsuper na magpipilit pumasada bagama’t hindi “roadworthy”, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabi ni Bert Suansing, road sector senior consultant ng DOTr, na posibleng maghain ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga jeepney na mapapatunayang hindi ligtas bumiyahe.

“[Penalty] ranges from suspension to total disqualificaiton (Sila ay maaaring parusahan ng suspensyon o total disqualification),” ani Suansing.

Dagdag pa niya, “They will be given tickets, and then the LTFRB will issue a show cause order. It may depend on whether the violation is light or heavy (Bibigyan sila ng ticket at maghahain ng show cause order ang LTFRB. Nakadepende ito kung magaan o mabigat ang ginawang paglabag).”

Naunang inanunsyo ng LTFRB noong Hulyo 1 na posibleng 6,002 traditional jeepneys ang magbabalik-operasyon sa 49 na ruta sa Metro Manila simula Biyernes, Hulyo 3.

Sa halip na special permits, QR code ang ibibigay sa bawat awtorisadong unit ng jeep na magbabalik-pasada.

The LTFRB will be fielding inspectors to see to it that the jeepneys that were allowed again to resume their operations are in tiptop condition, beginning in checking the lights, the brakes, and the emission testing to see to it that they are not smoke belching (Magtatalaga ng mga inspectors ang LTFRB para matiyak na nasa mabuting kondisyon ang mga magbabalik-pasadang jeepneys, sa pamamagitan ng pag-check sa ilaw, brakes, at emission testing para masigurong wala itong smoke belching),” ayon kay Suansing tungkol sa kung paano matutukoy ang pagiging “roadworthy” ng jeepney.

Para naman sa mga drayber at operator, susunod naman sila umano sa mga ipinatutupad na palisiya bagama’t mabigat sa bulsa ang epekto ng pandemiya.

Ayon sa pangulo ng Piston na si Mody Floranda, “Patuloy pa ring nangungutang ang mga operator at drivers para makasunod lang, makalagay din ng divider sa mga jeepneys”. 

Ang traditional jeepneys ang huling pinahintulutan ng pamahalaan sa lahat ng pampublikong sasakyan na magbalik-operasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING