Duterte, pinagbantaang ipapasara ang isang courier firm dahil sa mishandling ng packages

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: King ViewFinder Youtube Channel

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara nito ang courier firm na J&T Express matapos itong masangkot sa alegasyon ng mishandling sa mga packages nito.

Sa kanyang public adress noong Hulyo 1, inatasan ng pangulo ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), National Bureau of Investigation (NBI), at Bureau of Internal Revenue (BIR) para imbestigahan ang J&T Express.

This J&T,  as you have seen on TV, they’re throwing around packages that might have been broken or spoiled. Or they got something from them or switched items (Itong J&T, kung nakita niyo sa TV, tinatapon-tapon ang mga packages na maaaring masira o mabulok. O baka maipagpalit sa iba.),” ani Duterte.

Nagbalala naman ang pangulo pagkatapos at sinabing, “Because of the so many complaints, I will close you down. That’s for sure. I iwill close you down — whether you like it or not — after the CIDG and NBI finish their investigation and point to you as having a liability (Dahil sa napakaraming reklamo, ipapasara ko kayo. Siguro ‘yan. Ipapasara ko kayo sa ayaw at sa gusto ninyo – matapos ang imbestigasyon ng CIDG at NBI at kung may mahanap silang layabilidad).”

Kumalat ang isang viral video sa social media na nagpapakita sa ilang empleyado ng J&T na hinahagis at itinatapon ang mga packages sa loob ng delivery truck.

Ayon naman sa J&T bilang pagtugon, hindi aniya nito papayagan ang ganitong uri ng gawain at papatawan umano ng karampatang parusa ang mga empleyado nitong sangkot sa naturang mishandling ng packages.

Gayunpaman, hindi pa rin naglalabas ng komento ang pamunuan ng J&T tungkol sa naging pahayag ng pangulo.

LATEST

LATEST

TRENDING