14 kataong lulan ng tumaob na fishing boat sa Occidental Mindoro, nawawala pa rin

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: Philippine Coast Guard

Hindi pa rin natatagpuan ang 14 na Pilipinong lulan ng fishing boat na Liberty 5 apat na raw matapos makabanggaan ng isang Hong Kong-based cargo ship sa Occidental Mindoro.

Tanging mga lalagyan ng isda ang nahanap ng mga rescuer na palutang-lutang sa karagatan sa timog-kanluran ng Manila, kung saan tumaob ang finshing vessel na Liberty 5, wika ni Mario Mulingbayan, disaster response official ng lalawigan.

Ang kapitan naman ng barkong Vienna Wood na nakarehistro sa Hong Kong, ay humingi ng tulong ilang oras matapos ang insidente, ayon sa pahayag ng Philippine Coast Guard.

Isang military chopper naman ang magpapatuloy na hanapin ang nawawalang crew at pasahero ng Liberty 5, dagdag pa ni Mulingbayan.

Aniya, “Tayo po ay tuloy-tuloy ang panalangin na sana po ay ligtas ang 14”.

LATEST

LATEST

TRENDING