Pamahalaan, kumalap ng 54,000 contact tracers sa buong bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Sa kanyang huling ulat sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumuha ang pamahalaan ng libu-libong katao sa buong bansa upang magsilbing contact tracers sa laban kontra Covid-19.

Ayon kay Duterte, batay sa datos noong Hunyo 24, 54,183 katao na ang tinanggap sa buong bansa, at nakapag-trace at assess na ang mga ito ng 118,818 close contacts at 113,254 general contacts.

Bukod sa personal contact tracing, titinignan din ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang teknolohoyang posibleng makatulong sa mga hakbang kontra Covid-19, ayon sa ulat.

Ang StaySafe app ay ang opisyal na contact tracing application ng bansa. Itinatala nito ang estado ng kalusugan ng tao matapos iinput sa app. Ayon sa pangulo, 240 local government units (LGUs) ang gumagamit ng nasabing app, habang ang iba naman ay direktang nag-uulat sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng COVID KAYA, isang digital app para sa mga frontliners. 

Ayon naman kay Dr. Rabindra Abeyasin, World Health Organization (WHO) representative sa Pilipinas, habang pinapaigting ng pamahalaan ang mga hakbang sa testing, dapat paigitingin din aniya ang contact tracing.

What we are advocating is that…as they invest in expanding testing capacity, to invest in actual contact tracing, identifying contacts, and quarantining and isolating them so that we prevent further transmission (Ang itinutulak namin ay… habang nag-iinvest sa expanding testing capacity, dapat ding pagtuunan ng pansin ang contact tracing, pagtukoy sa contacts, at pag-quarantine at pag-isolate sa mga ito upang mapigilan ang transmisyon),” ani Abeyasin.

Iginiit ni Abeyasin na dapat palakasin pa ang contact tracing sa bansa sapagkat hindi nito masundan ang bilis ng testing capacity.

Batay sa datos noong Hunyo 30, 4 P.M. mula sa Department of Health (DOH), nasa 37,514 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa. Sa bilang na ito, 10,233 na ang gumaling habang 1,266 naman ang nasawi.

LATEST

LATEST

TRENDING