HK based cargo ship at Pinoy fishing boat, nagbanggaan sa Occidental Mindoro

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Tumaob na Liberty-5 fishing boat
Larawan mula sa: Philippine Coast Guard

Noong Hunyo 28, nagbanggaan ang Hong Kong-registered cargo ship na MV Vienna Wood N at ang Filipino fishing boat na Liberty-5 sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Ayon sa AM Nomikos, ang ahensyang namamahala sa MV Vienna Wood N, sinubukan aniya ng crew nito na maghanap ng mga posibleng nakaligtas na mga pasahero mula sa tumaob na Liberty-5.

Vienna Wood N stopped and the crew conducted an emergency damage assessment. The collision was reported soon after to Maritime Rescue Coordination Centre (MRCC), Manila (Huminto ang Vienna Wood N at nagsagawa ng emergency damage assessment. Iniulat naman ang banggaan sa Maritime Rescue Coordination Centre (MCRR) sa Manila),” pahayag ng ahensya.

Dahil sa nangyaring aksidente, kinailangan umanong magsagawa ng Vienna Wood N ng damage assessment bago bumalik sa pinangyarihan upang maghanap ng mga nakaligtas.

Ayon sa AM Nomikos, naghintay umano ang Vienna Wood N sa lugar na pinangyarihan ng banggaan at nag-antay sa pagdating ng Philippine Coast Guard (PCG).

Once the Coast Guard arrived, Vienna Wood N remained on scene until cleared to sail to a nearby port for surveys and repairs of the damages she sustained. She was escorted by the Coast Guard to Batangas Bay, Philippines (Sa pagdating ng PCG sa lugar, nanatili ang Vienna Wood N hanggang pinayagan na itong bumiyahe sa isang malapit na pantalan para magsagawa ng survey at pagkukumpuni sa mga sirang natamo nito),” ani AM Nomikos.

Buo naman aniya ang pakikipagkooperasyon ng ahensya sa ipinatutupad na imbestigasyong ng mga awtoridad.

Samantala, ayon naman kay Fermin Soto, may-ari ng Liberty-5, sinabi umano ng Philippine Coast Guard na malubhang nasira ang pilot house ng fishing boat.

“Kung ‘yun ang pagbabasehan na sitwasyon, yun ang tinamaan ng pagkabunggo kaya sila ay tumaob,” ani Soto.

Dagdag pa nito, “Isa rin pong nagkaroon ng butas ‘yung unahan ng cargo base na ‘yun ang tumama po dun sa gitna, kaliwa ng Liberty-5 na dahilan na tumaob.”

Naghahanap aniya ng mga testigo ang kumpanya ni Soto.

Wika nito, “Kung tutuusin talagang kayang iwasan ‘yan, baka naman nagiiwas, di rin makaiwas. Hindi natin masabi. Naghahanap din kami ng witness po”.

Nakatakdang makipagpulong ang kumpanya ni Soto sa mga lokal na opisyal mula sa mga bayan ng mga mangingisda na karamihan ay nasa Palawan.

Nag-deploy naman ng mga barko at eroplano ang mga awtoridad upang hanapin ang mga nawawalang lulan ng Liberty 5, na kinabibilangan ng 12 Pilipinong crew members at dalawang pasahero.

LATEST

LATEST

TRENDING