Sa kanyang ika-14 na ulat sa Kongreso, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang iregularidad sa pagbili ng Department of Agriculture (DA) ng urea fertilizers habang naghahanda ang Senado sa pag-imbestiga sa mga alegasyon ng overpricing mula sa ilang grupo ng magsasaka.
Naging transparent umano ang kagawaran sa procurement ng mga naturang fertilizers.
“As to the alleged overpricing in the procurement of urea fertilizer, the DA has reported that the centralized fertilizer bidding is above board, transparent, and has in fact brought urea prices down (Tungkol sa alegasyon ng overpricing sa pagbili ng urea fertilizer, iniulat ng DA na naging transparent ang bidding ng fertilizer at pinababa rin nito ang presyo ng urea),” pahayag ni Duterte sa kanyang ulat.
Naunang iginiit ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na overpriced ang mga biniling fertilizers ng DA nang ihambing ng grupo ang resulta ng kanilang canvass sa price ceiling na itinakda ng ahensya.
Ayon sa grupo, nakatipid sana ng P2.5 milyon ang ahensya kung bumili ito ng mga fertilizer sa commercial price na P850 bawat supot sa halip na P990.
Dinipensahan naman ng departamento ang procurement at idiniing ang bidding price na inaprubahan ay nasa P900 hanggang P995 bawat bag, na mas mababa sa national average price ng urea fertilizer na nasa P1,051 per bag noong Abril.
Idinagdag ng pangulo na napagbuti umano ng DA ang fertilizer distribution system nito para matiyak ang transparency.
“The DA has taken the necessary measures to enhance the system of fertilizer distribution, including geo-tagging, posting of all recipients or beneficiaries, system digitization, and institution of an ‘integrity group’ (Nagpatupad ng mga hakbang ng DA upang pagbutihin ang fertilizer distribution, kabilang ang geo-tagging, pagpopost ng lahat ng benepisyrayo, system digitization, ang pagtatatag ng ‘intergity group’,” ani Duterte.
Ang naturang “integrity group” ay kinabibilangan ng mga NGOs, civil society organizations, regional agricultural fishery councils, at iba pang mga private sector representatives, para “obserbahan at i-monitor” ang distribusyon ng fertilizer.