Palasyo, dumistansya sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Dumistansya ang Malacañang sa panukalang inihain ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Ayon sa panukalang batas ni Rep. Duterte, kasama sina ACT-CIS Party-List Rep. Eric Go Yap at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, ang pagpapalit ng pangalan ay makatutulong umano upang mas madaling matukoy ang NAIA bilang pangunahing terminal ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, Kongreso na raw ang bahalang magpasya dito.

“Iniiwan po namin ‘yan sa Kongreso dahil kinakailangan po ng batas kung kinakailangan palitan ang pangalan ng NAIA,” ani Roque.

Ang paliparan ay ipinangalan sa bayaning si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong 1987, isang taon matapos ang EDSA People Power Revolution na naging tulay upang mapatalsik ang dikdator na si Ferdinand Marcos at maluklok bilang bagong pangulo ang asawa ni Ninoy na si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino.

Samantala, sinabi naman ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na hindi naaayon sa panahon ang panukalang inihain ng mambabatas na si Duterte.

When I first read about it (Noong una kong binasa), iyong pinaka-tanong ko sa sarili ko: ‘Ngayon pa talaga?’ Ngayon pa talaga na dapat all hands on deck tayo na nagtutulong-tulong para masugpo iyong pandemya,” giit ni Robredo.

Number one, it’s ill-timed (Una, hindi ito naaayon sa panahon). Number two, alam naman natin why it was named Ninoy Aquino International Airport. So iyong tanong, where is our sense of history (nasaan ang diwa ng ating kasaysayan)?” dagdag pa niya.

LATEST

LATEST

TRENDING