Gatchalian: Pagbubukas ng klase, dapat ituloy

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ipinahayag ni Senate Committee on Basic Education, Culture and Arts Chairman Senador Sherwin Gatchalian ang kanyang mariing pagsuporta sa pagpapatuloy sa klase bagama’t nananatili pa rin ang banta ng Covid-19 sa ngayon.

Habang nahihirapan ang ilang lungsod at munisipalidad sa pagkalap ng ng distance-learning tools – kagaya ng tablets at laptops – para sa mga mag-aaral, iginiit ni Gatchalian na dapat ipagpatuloy ang distance-learning scheme upang hindi mahinto ng isang taon ang pag-aaral ng mga estudyante.

We need to protect the children and the parents because the parents have to bring the kids to school (Kailangan nating protektahan ang mga bata at kanilang magulang sapagkat hinahatid nila ang mga bata sa eskwela),” ani Gatchalian.

But learning should continue. Maybe in a relaxed form, but learning should continue (Subalit, dapat ituloy ang pag-aaral. Siguro sa mas magaang paraan, pero dapat itong ituloy),”dagdag ng senador.

Muli naman susuriin ni Gatchailan sa kalagitnaang ng Hulyo ang kahandaan ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng kauna-unahang distance-learning school year sa bansa.

Batay sa datos noong Hunyo 26 ng DepEd, 40 percent lamang sa 800,000 public school teachers sa bansa ang nabigyan ng training sa pagtuturo ng mga asignatura sa pamamagitan ng online at iba pang distance-learning schemes.

Mananatiling suspendido naman ang face-to-face classes hanagga’t wala pang natutuklasang bakuna kontra Covid-19, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kagawaran.

LATEST

LATEST

TRENDING