Bumubuti aniya ang sitwasyon ng Covid-19 pandemic sa bansa, tatlong buwan matapos unang iimplementa ang community quarantine, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Action Plan (NAP) para sa Covid-19.
Aniya, “Medyo natuto na po tayo after that three-month experience (so) yun po yung nakiita namin, napakaganda po ng mga indicators”.
“I believe ang ating recoveries is more or less 40 to 50 percent hindi lang natin na-declare because of…ang dini-declare lang natin sa recovery ay yun lang pong na-admit,” dagdag pa nito.
Gayunpaman, sinabi ni Galvez na mayroong mga underreported cases ng Covid-19 recoveries, nangangahulugan umano na maganda itong balita tungkol sa bumubuting sitwasyon ng bansa sa paglaban sa coronavirus.
Patuloy din umanong nadadagdagan ang kapasidad ng testing sa bansa.
Naunang sinabi ni Galvez na pinag-isipan ng pamahalaan ang paglulunsad ng ikalawang bugso ng pagpaplano upang mas mapaigting pa ang Covid-19 response.
“Mas prepared po tayo kasi meron tayong national action plan, sa ngayon, nire-review po natin yan kasi nag-change na po ang ating situation,” ani Galvez.
Samantala, binanggit naman ni Galvez na patuloy ang pag-akyat sa mga malulubha at critical na cases sa Lungsod ng Cebu.
Idiniin nitong ang maaagang detection at testing ang susi upang mahinto ang spike sa Covid-19 cases sa lugar.
Inamin ni Galvez na tinitignan ng pamahalaan ang paghihigpit sa quarantine protocols sa lungsod.
“We don’t want to preempt the pronouncement of the President, but we see there is still a need for stringent restrictions since we found out that the ECQ (enhanced community quarantine) was not properly implemented, that’s why Gen. (Eduardo) Ano was prompted to deploy more SAF personnel there in Cebu City (Ayaw naming pangunahan ang pangulo, subalit nakikita namin na kailangan ng paghihigpit dahil hindi maaayos ang pag-implementa ng ECQ, dahilan upnag mag-deploy ng mas maraming SAF personnel sa Cebu City si Gen. Año),” paglilinaw ni Galvez said.
Dagdag pa niya, “So far, more than 19 barangays are being monitored under strict lockdowns (Nasa 19 barangays ang sinusubaybayan sa ilalim ng striktong lockdown).”
Hindi naman aniya makalalabas ng tahanan ang mga walang mahahalagang pakay o importanteng lakad.