Duterte, iaanunsyo ang mga bagong quarantine protocols sa Hunyo 30

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Mag-aanunsyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Martes, Hunyo 30, tungkol sa mga bagong patakaran ng community quarantine na iiral simula Hulyo 1.

I’ll let you know but if I’m not mistaken, it will be tomorrow (Ipapaalam ko sa inyo subalit kung hindi ako nagkakamali, bukas ito),” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin sa isang press briefing.

Inaasahang mananatili sa magkakaibang antas ng community quarantine ang bansa matapos tanggalin ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang “new normal” mula sa listahan ng mga klasipikasyon.

Sa pagsisimula ng Hunyo, pinaluwag ang mga paghihigpit sa maraming lugar upang mabigyang daan ang muling pagbangon ng ekonomiyang lubos na naapektuhan ng pandemiya.

Sa kasalukuyan, sumasailalim sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang Lungsod ng Cebu habang nasa modified ECQ naman ang Lungsod ng Talisay na nasa loob din ng lalawigan ng Cebu.

Ang natitirang bahagi naman ng bansa ay nasa general community quarantine (GCQ) o di kaya ay nasa modified GCQ.

LATEST

LATEST

TRENDING