Año: Pauwing LSIs, hindi kailangang i-swab test

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
DILG Secretary Eduardo Año

Hindi sasailalim sa swab testing para sa coronavirus ang mga residenteng magsisipag-uwian sa kani-kanilang mga lalawigan, ayon sa Vice-Chairperson ng National Task Force Against the Covid-19 Eduardo Año.

Ayon kay Año, hindi pa inaaprubahan ang panukalang pagpapasailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test ng mga locally stranded individuals (LSIs) na magsisipagbalik sa kani-kanilang mga probinsya.

“Nagkaroon lang siguro ng miscommunication. Hindi required ‘yung PCR testing sa kanila. Hindi pa naman na-approve ‘yung bagong pino-propose nating protocol na maga-undergo ng PCR testing ang mga LSI pero ito ay doon na sa kanilang point of destination,” giit ni Año.

Nilinaw ito ni Año matapos ianunsyo ni Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na kinakailangang ipresenta ng mga biyahero patungong Visayas at Mindanao na lulan ng mga sasakyang pandagat ang resulta na kanilang nasal swab test. 

Sasaluhin naman aniya ng pamahalaan ang gastusin sa PCR test ng mga magsisipag-uwiang residente at naghahanda rin ito para sa distribusyon pa ng mas maraming test kits, ani Año.

May plano rin umanong magtayo ng molecular laboratories sa ilang rehiyon sa bansa katulad ng CARAGA.

LATEST

LATEST

TRENDING