Mga kaso ng namatay sa Covid-19 sa buong mundo, umabot na sa kalahating milyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Chung Sung-Jun (Getty Images)

Pumalo na sa kalahating milyon ang mga namamatay sa Covid-19 sa buong mundo batay sa tala ng Reuters.

Isa itong masamang balita sa kalagitnaan ng Covid-19 pandemic kung saan nagkakaroon ng resurgence sa ilang mga bansa habang ang iba naman ay patuloy pa rin sa paglaban sa unang bugso ng mga impeksyon.

Bagama’t lubhang mapanganib para sa mga matatanda ang Covid-19, kabilang pa rin ang ilang mga adults at kabataan sa 500,000 na mga nasawi sa kabuuang mahigit 10 milyong mga kaso sa buong mundo.

Kahit na nag-flatten ang pangkalahatang bilang ng mga nasasawi sa mga nagdaang linggo, nagbabala pa rin ang ilang mga dalubhasa dahil sa mga bagong umuusbong na kaso sa mga bansa katulad ng Estados Unidos, India at Brazil, at ilang bahagi ng Asya.

Mahigit 4,700 ang namamatay sa bawat 24 oras mula sa sakit na may kinalaman sa Covid-19, ayon sa kalkulasyong isinagawa ng Reuters base sa average noong Hunyo 1 hanggang 27.

Tinatayang isang kapat ng kabuuang mga nasawi ang naitala sa Amerika, batay sa datos ng Reuters. Samantala, naungusan na ng Latin Amerika ang Europa upang maging pangalawang pinakamalubhang rehiyon na tinamaan ng pandemiya, kasunod sa North Amerika.

Sa loob lamang ng limang buwan, hinigitan ng Covid-19 ang bilang ng mga nasasawi bawat taon sa malaria, isa sa mga pinakanakamamatay na sakit.

Pinag-aaralan naman ng public health experts kung paano nakakaapekto ang demographics sa death rates sa iba’t-ibang rehiyon. Halimbawa, ilang mga bansa sa Europa na may matatandang populasyon ay nakapagtala ng mataas na fatality rates.

Sa ulat ng European Center for Disease Prevention and Control noong Abril, 46 porsyento ng mga nasawi ay nasa 80-anyos pataas batay sa sinuring mahigit 300,000 na mga kaso sa 20 na bansa.

Sa Indonesia naman, daan-daang mga kabataan ang pinaniniwalaang namatay, kung saan itinuturo ng mga opisyal ang mga kasong ito sa malnutrisyon, anemia, at kakulangan ng child health facilities. 

Nagpaalala naman ang mga eksperto na maaaring hindi sinasalamin ng mga opisyal na datos ang tunay na bilang ng mga kaso at posible aniyang may underreporting sa mga bilang ng mga kaso at mga nasawi sa ilang bansa.

LATEST

LATEST

TRENDING