DOH: Huwag piliin ang mga bansang ihahambing sa Pilipinas tungkol sa Covid-19 cases

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kinakailangan aniya ng mas malalim na pag-unawa sa paghahambing ng Pilipinas sa Singapore at iba pang mga bansa batay sa population ratio kontra sa bilang ng mga kaso ng Covid-19, ayon sa Department of Health (DOH) bilang pagtugon sa huling datos na inilabas ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni DOH Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire na habang natutugunan ng Singapore ang bilang mga kaso nito dahil sa mababa nitong fatality rate na 26 deaths per 1 million population, ang Pilipinas ay may 3.6 percent case fatality rate, o 1,236 sa bawat 1 milyong populasyon, na mababa kung ikukumpara sa Global CFR na 5.1 percent.

Our socioeconomic context, particularly living conditions, as well as health system capacity, even prior to COVID, is different from Singapore (Ang kalagayan ng Pilipinas, kabilang na ang kapasidad ng health system, kahit bago pa magkaroon ng Covid, ay iba sa Singapore),” giit ni Vergeire.

Dagdag pa niya, “Please take that into account when we do our analysis. Let us not cherry pick the countries we want to compare ourselves to (Ikonsidera natin ito sa ating mga pagsusuri. Huwag tayong mamili ng mga bansang mapapagkumparahan)”.

Ang mga pahayag ni Vergeire ay pagtugon sa huling ulat na nagsasabing ang Pilipinas na ang may pinakamabilis na pag-akyat ng Covid-19 cases sa rehiyon, batay sa datos ng WHO.

Naglathala ng ulat ang WHO tungkol sa sitwasyon sa Western Pacific Region kung saan ipinapakitang ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga kaso sa nakalipas na pitong araw na sinundan naman ng Singapore.

As the national government strives to manage COVID-19 in the absence of a cure or vaccine, all agencies are tasked to closely monitor the rise in cases and strengthen our response through localized actions, especially in emerging hotspots (Habang patuloy ang pagtugon ng pamahalaang nasyonal sa Covid-19 habang wala pang bakuna, lahat ng ahensya ay inatasang mag-monitor sa pag-akyat ng mga kaso at magpaigting ng pagresponde sa pamamagitan ng localized actions, lalo na sa mga umuusbong na hotspots),” wika ng DOH sa isang pahayag.

Muli namang nagpaalala ang ahensya sa taumbayan na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health standards katulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing, dahil ito aniya ang pinaka-epektibong lunas sa Covid-19 ngayon habang wala pang natutuklasang bakuna kontra Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING