Robredo, tutol sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Hindi sinang-ayunan ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa bagong panukalang naglalayong palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Aniya, “We are in the middle of a pandemic, and this is what we’re thinking of (Nasa kalagitnaan tayo ng pandemiya subalit ito ang ating iniisip)”.

Dagdag pa nito, “Number one, it’s ill-timed. Number two, we all know why it was named Ninoy Aquino International Airport. So my question is, where is our sense of history? (Una, hindi ito naaayon sa panahon. Pangalawa, alam natin kung bakit ito pinangalanang NAIA. Nasaan ang pagpapahalaga natin sa kasaysayan)?”

Ipinagalan ang NAIA sa namayapang dating senador at lider ng oposisyon na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr., asawa ni dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino at ama ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Si Ninoy ay binaril sa tarmac ng noo’y Manila International Airport (MIA) noong 1983 sa panunungkulan ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

When I first read about it, the question I asked myself was, ‘why now?’ Why now that all hands must be on deck to address the pandemic (Noong binasa ko ito, tinanong ko sa sarili ko, ‘bakit ngayon?’ Bakit ngayong dapat nakatuon ang ating atensyon sa pagtugon sa pandemiya),” giit ni Robredo.

Ang panukalang pagpapalit sa pangalan ng NAIA ay inihhain ni Presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas sa Mababang Kapulungan.

Sa inihaing House Bill No. 7031, sinabi ni Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at ACT-CIS party-list  Rep. Eric Go Yap na sa bagong pangalan, “the airport will easily be identified as the international doorway of the country, in view of it being in Filipino language and branding it as the international airport of the Philippines (mas madaling matutukoy ang paliparan bilang internasyunal na pinto papasok ng bansa, dahil ito ay nakasulat sa wikang Filipino at madaling ipinapakitang ito ang international airport ng Pilipinas)”.

LATEST

LATEST

TRENDING