Malacañang kay Robredo: Pamahalaan, transparent sa Covid-19 response

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Presidential Spokesperson Harry Roque

Idiniin ng Malacañang na transparent ang pamahalaan pagdating sa mga ipinatutupad na hakbang bilang pagtugon sa Covid-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinitiyak ng gobyerno na ipinagbibigay-alam sa publiko ang mga tagumpay at pagkukulang nito sa pagresponde sa pandemiya.

Sinabi ito Roque ni matapos banggitin ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo na “in denial” aniya ang gobyerno sa mga pagkukulang nito sa Covid-19 response.

Pinabulaanan ito ni Roque sa isang pahayag at sinabing walang basehan ang mga paratang ng pangalawang pangulo.

Aniya,“We have been as transparent about our lapses as we are about our gains, and as we have said in previous occasions, fighting Covid-19 is a collective effort. It is a whole-of-government approach (Naging malinaw kami sa aming pagkukulang katulad ng sa mga napagtagumpayan. Katulad ng nabanggit noon, kailangan ang kooperasyon sa pagsugpo sa Covid-19. Buong puwersa ng pamahalaan ang kinakailangan)”.

Sa isang panayam, iginiit ni Robredo na mas napadali sana ang pamamahala sa krisis kung agarang rumesponde ang pamahalaan noong nag-uumpisa pa lang manalasa ang coronavirus sa bansa.

Ayon kay Robredo, maraming target ang hindi natupad sa ginawang pagpigil sa paglaganap ng coronavirus sa bansa.

Buwelta naman ni Roque, nakalulungkot aniya na mas pinipili ni Robredo ang mambato ng kritisismo sa pamahalaan bagama’t nanawagan na si Pangulong Rodrigo Duterte na ihinto na ito.

The Executive has no monopoly of good ideas and deeds and we have to stress that the effects of Covid-19 have been unprecedented. No country in the world would proudly announce that it has been prepared to meet the challenges posed by the pandemic (Walang monopolyo ang ehekutibo ng magagandang ideya at gawa at kailangang maunawaan natin na bago ang epekto ng Covid-19. Wala ni isang bansa sa mundo ang makapagsasabing nakapaghanda ito sa mga hamong ibinato ng pandemiya),” ani Roque.

Tiniyak naman Roque kay Robredo na nagsasagawa ng arawang pagpupulong ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang i-review ang mga inilabas nitong mga palisiya at panuntunan tungkol sa community quarantine.

Sinagot din ni Roque ang pahayag ni Robredo tungkol sa kakulangan umano ng impormasyon sa mga isinusimiteng ulat ng pangulo sa Kongreso pati na rin ang mga talumpati nito.

Idiniin ni Roque na maaaring makuha ng pangalawang pangulo ang “kumpletong detalye” ng kanyang mga hinahanap na impormasyon sa iba’t-ibang departamento at ahensya na patuloy ang pakikipagkomunikasyon umano sa publiko.

The Vice President or her research staff should have checked this as well (Dapat tinignan ito ng pangalawang pangulo at ng kanyang research staff),” wika ni Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING