PRRD, inaprubahan ang P500 na arawang allowance sa mga manggagawa ng swabbing facilities

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Noel Celis (AFP/Getty Images)

Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng arawang P500 allowance para sa mga manggagawa ng pamahalaan na nagboluntaryong maglingkod sa mga mega swabbing facilities ng bansa.

Nakadepende ang halaga ng duty allowance sa kabuuang bilang ng araw na nagtrabaho ang empleyado o ang requisite training sa swabbing facilities, ayon sa nilagdaang Administrative Order No. 31 ni Duterte noong Hunyo 15.

Ang mga kwalipikadong manggagawa para sa nasabing duty allowance ay ang mga umookupa ng regular, kontraktwal, at casual positions, o di kaya iyong mga kabilang sa contract of service at job orders.

Ang pagbibigay ng duty allowance ay bibilangin sa pagsisimula ng operasyon ng swabbing facilities at iba pang Covid-19 test results processing facilities.

Babayaran din ang mga volunteer government personnel na sumailalim sa mandatoryong quarantine matapos i-deploy sa mga swabbing facilities.

Ang mga personnel naman na nakatatanggap na hazard pay at special risk allowance ay puwede ring makatanggap ng Covid-19 duty allowance, alinman ang mas mataas.

Kasalukuyang may apat na mega swabbing facilities na pinapatakbo ang pamahalaan. Ito ay ang Enderun Colleges sa Taguig City, Philippine Arena sa Bulacan, Mall of Asia sa Pasay City, at ang Palacio de Maynila sa Lungsod ng Maynila.

LATEST

LATEST

TRENDING