POPCOM: Halos 2M na Pinay, mabubuntis ngayong taon dahil sa lockdown

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III.

Tinatayang nasa dalawang milyong Pilipina, edad 15 hanggang 49, ang inaaasahang mabubuntis ngayong taon bunsod ng Covid-19 lockdowns, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).

Karamihan sa mga ito aniya ay inaaasahang manganganak siyam na buwan matapos ang pagpapatupad ng mga community quarantine.

Binanggit ng ahensya ang isang pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute at ng United Nations Population Fund, kung saan nakasaad na 10 porsyento sa mga pagbubuntis na ito ay magmumula sa mga babaeng edad 20 pababa.

Aabot umano sa 214,000 ang bilang ng mga hindi inaasahang pagbubuntis na magreresulta sa pagkakaroon ng 1.9 milyong births sa 2021, ayon sa komisyon.

Looking at these numbers, we foresee that because of the restrictions of movement as well as the reduction of access of women and men to family planning supplies, there will be at least one pregnancy for every three women with an unmet need for family planning (Batay sa datos, nakikita namin base sa paghihigpit sa paggalaw ng tao kasama na ang kawalan ng access ng mga lalake’t kababaihan sa family planning supplies, magkakaroon ng isang pagbubuntis sa bawat tatlong babae na walang family planning),” ani POPCOM executive director Juan Antonio Perez III.

Dagdag pa niya, “Those are just some of the adverse impacts of the community quarantine to the welfare of our families, which further aggravates the situation of the ongoing health crisis (Ilan lamang ito sa mga hindi magandang epekto ng community quarantine sa kapakanan ng mga pamilya, na pinapalala lamang ang sitwasyon sa health krisis)”.

Nabanggit din sa pag-aaral na magdudulot ang lockdown ng 178,000 na pagbubuntis sa mga teenager, na walang access sa family planning supplies.

Sa kabilang dako naman, inaasahang mababawasan ang contraceptive prevalence rate – o rate ng mga babaeng gumagamit ng modern contraception methods – ng 2.2 percent. Nangangahulugan itong 400,000 women ang matatanggal sa family planning program ng bansa.

Giit ni Perez, “While the numbers are staggering, this should sound the alarm for everyone that as the pandemic rages on, family planning should still be top-of-mind for everyone (Bagama’t nakakagulat ang mga numero, magsilbi sana itong babala sa lahat na kailangang bigyan ng prayoridad ang family planning habang patuloy ang pananalasa ng pandemiya)”.

LATEST

LATEST

TRENDING