Gatchalian: Mga mambabatas lamang ang iimbitahin sa SONA ng pangulo

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Malaki pa rin ang posibilidad na gaganapin sa Batasan Complex bagama’t nasa pandemiya ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Gayunpaman, wala aniyang iimbitahing VIPs para masaksihan ang kanyang SONA, ayon sa mga ulat na natatanggap ni Senador Sherwin Gatchalian.

Tanging mga kongresista at senador lamang ang papahintulutang makapasok sa session hall ng Mababang Kapulungan para matunghayan ang talumpati ni Duterte.

“Ang mga informal naririnig ko, usap-usapan, tuloy pa rin sa House pero wala nang guests. So lahat ng congressmen and senators will occupy the gallery because of social distancing,” ani Gatchalian.

Dagdag pa niya, “’Di ba, may tatlong floors ‘yung kanilang gallery eh. So doon na uupo ngayon ‘yung mga mambabatas,” he added.

Nilinaw naman ng senador na hindi pa naibubunyag ang opisyal na plano tungkol sa SONA mula kay Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano.

LATEST

LATEST

TRENDING