Magpupulong ang mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte, sa virtual ASEAN Summit sa Hunyo 26 upang talakayin ang iba’t-ibang layunin ng rehiyon sa pagbangon mula sa Covid-19 pandemic sa
Sa isang briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje na pag-uusapan ni Duterte ang mga plano sa capacity building kasama ang mga kapwa lider ng rehiyon bilang kabahagi ng new normal.
“President Duterte and his ASEAN counterparts will review current initiatives and explore new avenues for enhanced cooperation to strengthen the region’s capacity to address the challenges posed by the COVID-19pandemic (Rereviewhin ni Pangulong Duterte at iba pang pinuno ng ASEAN ang kasalukuyang mga inisyatiba at maghahanap din ng ibang pamamaraan sa pagpapaigting sa kapasidad ng rehiyon upang tugunan ang Covid-19 pandemic),” wika ng opisyal na pahayag.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga pag-uusapan sa summit ay protektado ng executive privelege, kabilang ang diskusyon sa South China Sea.
“The president has always been clear on the country’s position in the developments on the South China Sea and the objectives including the finalization of the Code of Conduct, (Palaging malinaw ang pangulo sa posisyon ng bansa sa South China Sea at ang iba pang adhikain kabilang ang pagsasapinal ng Code of Conduct),” ani Borje.
Bukdo sa Covid-19 response, tatalakayin rin aniya ang women empowerment sa digital age.
Ang 36th ASEAN Summit, na naunang itinakdang ganapin sa Vietnam nula Hunyo 27 hanggang 28, ay isasakatuparan online dahil sa pandemiya.