Ang pangamba na maaaring magdulot ng pag-abuso ang Anti-terror bill ay hindi aniya sapat na dahilan upang ibasura ito kung tatanungin si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.
Ang panukalang batas, na inaantay na lamang pirmahan ng pangulo, ay magpapahintulot sa mga awtoridad na mag-wiretap ng mga suspek, mag-aresto ng walang warrant, at mag-detain nang hanggang dalawang linggo at walang isinasampang kaso sa mga sinususpetsahang terorista.
“The fear that a bill can be abused, or that the law can be abused is not unfounded. We have seen how laws have been abused in the years not just under the reign of President Duterte but even the reigns of other presidents (Ang pangambang maaaring magdulot ng pag-abuso ang isang bill o batas ay pangkaraniwan. Nakita natin kung paano inabuso ang mga batas hindi lamang sa termino ni Pangulong Duterte kundi pati sa ibang mga pangulo),” wika ni Torres-Gomez .
“But fear of abuse is not a valid reason to reject a bill outright. It is not a valid reason to reject needed legislation like the anti-terrorism bill because theoretically speaking, all laws can be abused, even social welfare laws that are very benign and charitable can be abused (Subalit, ang pangambang pag-abuso ay hindi sapat na rason upang tuluyan itong ibasura. Hindi ito makatwiran kasi maaaring abusuhin ang lahat ng batas, kahit ang mga batas pagpapaunlad panlipunan ay inaabuso),” dagdag pa niya.
Ang kapangyarihan na maghain ng warrant of arrest ay “mananatili pa rin sa korte” at ang pagbubuo ng anti-terrorism council ay walang “quasi-judicial powers” aniya.
Iginiit din ng mambabatas na “patay” na ang The Human Security Act of 2007.
“It was all innocent until proven guilty. By that time, it does not apply to a crime like terrorism because if we use that argument (Noon, inosente ka hanggang mapapatunayang guilty. Sa panahong iyon, hindi ito puwedeng i-apply sa terorismo kasi kung gagamitin natin ang argumentong iyan), wala na, na-detonate na kung bomb,” paglilinaw ni Torres-Gomez.
Idiniin din ng mambabatas na, “Terrorism is the highest crime against humanity. I don’t think it is right to not pursue a tip or go after a suspect… We have to weigh which risk weighs heavier on people: the risk of wrongful arrest or the risk of a terror act actually happening (Ang pinakamatinding krimen ng tao ay terorismo. Sa tingin ko hindi tamang mag-tip sa isang suspek… Kailangan nating pagbalanseihin kung ano ang mas matimbang sa tao: ang banta ng maling pag-aresto o ang banta ng terorismo na nangyayari na)”.
“If wrongful arrest does happen, that person has legal recourse. But when a terror attack has been carried out, the damage is irreversible (Kung mali ang pag-aresto, may solusyong ligal para dito.Ngunit kung magkaroon na ng terorismo, hindi na maibabalik ang pagkasira),” dagdag pa.
Samantala, “kumikiling” si Duterte na pirmahan na ang ipinapanukalang batas at sinabing sang-ayon daw ito na hindi labag sa Konstitusyon ang 14-day detention ng mga terror suspek, ayon kay Roque.
Nangangamba naman ang oposisyon na posibleng gamitin ito ng pamahalaan bilang sandata para tapakan ang karapatang magpahayag at patahimikin ang mga kritiko ng pangulo.
Tinuligsa ni Rep. Edcel Lagman, isang mambabatas sa oposisyon, ang pagbibigay prayoridad ng pangulo sa pagpasa ng anti-terror bill sa halip na bigyang pansin ang nakabinbing economic stimulus package na tutulungang makabangon ang mga apektadong sektor dahil sa pandemiya.
Ayon kay Lagman, na isa ring human rights lawyer, paraan ito ni Duterte upang sugpuin ang mga sinususpetsahang terorista sa pamamagitan ng pagbabalewala ng mga kaparatang pantao.
Pinabulaanan naman ito ni Roque at sinabing maihahalintulad ang bill sa batas kontra terorismo ng ibang bansa na matagumpay na nasugpo ang banta ng terorismo.
Idinagag din ng tagapagsalita ng pangulo na ang limang buwang digmaan sa Marawi noong 2017 ay klarong patunay sa epekto ng terorismo sa bansa.