Robredo, kinuwestyon ang pag-deploy ng mga tangkeng militar sa gitna ng pandemiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangalawang Pangulo Leni Robredo

Kinuwestyon ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo ang paggamit ng mga tangkeng militar sa pagpapatupad ng quarantine protocols dahil posible aniya itong magdulot ng pangamba sa publiko.

Binanggit ni Robredo na nakita niya ang ginawang pag-deploy ng mga tangke sa Lungsod ng Cebu matapos itong ipasailalim muli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng paglobo sa mga kaso ng Covid-19 sa lugar.

Aniya, “This is a health pandemic (Isa itong pandemiyang pangkalusugan). Bakit may mga tangke sa daan? The military has been very helpful, even to our office, pero I think we should take a more public health approach (Malaki ang naitulong ng militar kahit sa tanggapan namin, subalit kailangang ituring ito bilang problemang medikal sa aking pananaw)”.

“Ang problema ko rito, ‘pag nakita na ng mga tao iyong tangke, ‘Ano ba to, giyera?’ Iyong giyera natin dito against COVID-19 at hindi ito nadadaan sa pagso-sow ng fear among the constituency (pagdudulot ng takot sa publiko),” dagdag pa ng pangalawang pangulo.
 
Ipinahayag ni Robredo na natugunan ng Iloilo City ang pananalasa ng Covid-19 sa lungsod sa 4 active cases lamang. Wala ring inaresto dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa lungsod.

I have great faith na if people understand why we need to do this, if people understand that they have a stake, that they have a responsibility (May tiwala ako na kung mauunawaan ng tao kung bakit natin ito ginagawa, kung mauunawaan ng tao na mayroon silang responsibilidad)… mas magiging cooperative sila rather than tinatakot,” pagbibigay diin ni Robredo.

LATEST

LATEST