Palasyo, itinangging mas binibigyang prayoridad ang mga pampribadong sasakyan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: GMA News Online

Itinanggi ng Malacañang na binibigyang prayoridad nito ang mga pampribadong sasakyan sa halip na pampublikong transportasyon sa ipinatutupad na quarantine protocols.

The priority of the IATF is still upholding public health and that is why as far as transportation is concerned it’s not just cars that are being given priority (Ang prayoridad ng IATF ay kalusugan kaya naman hindi lamang mga pampribadong sasakyan ang binibigyan ng prayoridad),” ani Presidential Spoksperson Harry Roque.

Dagdag pa nito, “It’s not true that the favored mode of transportation is still private (Walang basehan ang paratang na pinapaboran ang mga pampribadong sasakyan)”.

Pinahintulutang muli ng pamahalaan ang pagbabalik-operasyon ng mga tren, bus, taxi, at ride-sharing sa pagtransisyon ng ilang lugar sa bansa patungo sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ matapos ang dalawang buwang mahigpit na lockdown.

Kasalukuyan namang pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) kung paano titiyakin ang social distancing at pagpapanatili ng kalinisan sa mga tradisyunal na jeepneys bago ito payagang magbalik-pasada, ayon kay Roque.

Aniya, “If buses and the modernized jeepneys will not be sufficient, yes, the DOTr will consider also jeepneys (Kung hindi magiging sapat ang bilang ng mga bus at modernong jeepney, ikokonsidera ng DOTr ang mga jeepney)”.

Subalit, iginiit ng tagapagsalita ng pangulo na mas may malaking tsansa ang pagbabalik-pasada ng mga UV express sapagkat nakaharap ang mga pasahero nito sa parehong direksyon.

Sa mga jeepneys, mahirap isakatuparan ang social distancing sapagkat siksikan ang 10 hanggang 16 pasehero.

LATEST

LATEST

TRENDING