Arroyo, malaki ang kumpiyansa kay Duterte sa planong pagbangon sa ekonomiya

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo

Nagpahayag ng pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte  si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga ipinatutupad nitong hakbang kontra Covid-19 at sa epekto ng pandemiya sa ekonomiya.

Aniya, “President Duterte has demonstrated the willingness to take swift strong action when needed, such as being among the first to ban flights from China during the early days of the pandemic, and the lockdown last March which in some aspects still remains in place today (Ipinamalas ni Pangulong Duterte ang kanyang determinasyong magpatupad ng mga agarang hakbang kung kinakailangan katulad ng pag ban ng flights mula China noong mga unang araw ng pandemiya at ang pagpapatupad ng lockdown noong Marso kung saan ramdam pa rin natin ang ilang aspeto nito sa ngayon)”.

Thus, if severe consequences result from tipping the balance in favor of the economy, we can be confident the President can take the necessary remedial measures (Kaya kung may malubhang mangyari dahil sa pagbibigay prayoridad sa ekonomiya, asahan nating masosolusyunan ito ng pangulo,” dagdag pa nito.

Binanggit ni Arroyo ma maihahalintulad ang epekto sa ekonomiya ng Covid-19 pandemic sa krisis na naranasan noong 2008 global recession.

That recession originated from the global financial sector. The upcoming recession will have a broader cause, ie, the abrupt reduction in business activity across almost all sectors because large portions of the workforce and consumer base were degraded due to quarantine conditions. In this sense, the starting point for recovery might be broader and deeper (Ang recession na iyon ay nagmula sa global financial sector. Ang inaasahang recession sa ngayon ay may mas malawak na sanhi katulad ng agarang pagbabawas sa aktibidad ng mga negosyo sa halos lahat ng sektor sapagkat naapektuhan ng quarantine protocols ang malaking bahagi ng mga manggagawa at consumer base),” ani Arroyo.

Ayon sa dating pangulo, makatutulong sa ekonomiya ang paggawa ng monetary at fiscal measures, kabilang ang social safety nets. Dapat umanong ipokus ang atensyon sa financial sector upang matiyak ang katatagan ng banking system.

Nagpahayag din ng pagsuprota si Arroyo sa ipinapanukalang economic stimulus ng Mababang Kapulungan.

LATEST

LATEST

TRENDING