Palasyo: Duterte, hindi na muna makakabisita sa Cebu City

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Cebu, hindi na muna aniya makabibisita rito si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bulnerable na si Duterte sa nakamamatay na sakit dahil sa edad nitong 75.

Aniya,Hindi pa po siguro ngayon. Kinakailangan bumaba muna ang mga kaso ng Covid-19”.

Dagdag pa nito, “Pero talagang taga-Cebu naman po ang ating Presidente, kaya kampante siya na maiintindihan ng mga taga-Cebu kung mayroon man siyang mga sasabihin na galing sa puso at prangka”. 

Sinabi ito ni Roque bilang pagdiin matapos banggitin ng pangulo na magtutungo ito sa Cebu para pagsabihan ang mga Cebuano dahil umano sa katigasan ng mga ulo nito sa patuloy na pagsuway sa mga quarantine protocols.

I will visit you. When I get there, I will be frank with you again because you are hard-headed (Bibisita ako. Pagkarating ko, magiging prangka ako sa inyo kasi matitigas ang ulo ninyo),” ani Duterte sa isang televised public address noong Lunes, Hunyo 22.

Sa parehong pahayag, sinabi rin ni Duterte na ang pagtaas sa bilang ng mga kaso sa lungsod ay dahil sa pagiging kampante aniya ng mga residente sa banta ng coronavirus.

Subalit, inamin naman ni Roque na nagbabalak mag-ikot ng bansa ang pangulo para bisitahin ang mga kampong militar matapos humingi ng pahintulot sa Presidential Security Group (PSG) dahil pagod na aniya ito sa pananatili sa Malacañang.

“Pero hindi na po napigilan ng PSG, talagang iikot na po ang Presidente; dadalaw na po siya sa mga kampo ng military,” ani Roque.

Samantala, itinalaga naman ni Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu para pangasiwaan ang paglaban ng Cebu City sa Covid-19.

Matindi po ang kanyang eksperiyensya at kakayahan at ang tingin ko po ay baka kinakailangan nga ng outsider para magkaroon ng mga pagbabago diyan sa Cebu,” komento ni Roque tungkol sa Cimatu.

Gayunpaman, positibo pa rin ang pananaw ng tagapagsalita ng pagulo na muling mapapagaan ang klasipikasyon ng community quarantine sa mga Lungsod ng Cebu at Talisay na nasa enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ.

“Hopefully po the assignment will be as short as possible para po bumalik sa GCQ man lang ang Cebu City at ang Talisay,” wika ni Roque.

Hindi naman aniya kinakailangang mag-appoint ng pansamantalang papalit kay Cimatu upang tugunan ang pang-araw-araw na operasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang nasa Cebu ito.

Hindi naman siguro kinakailanan na magtalaga ng kapalit niya sa DENR. Maraming beses na po na binigyan ng special mission ang ating Secretary of DENR at di naman po kinailangan na magtalaga ng kapalit sa DENR. So status quo po, he remains Secretary of DENR,” paglilinaw ni Roque.

LATEST