Malacañang: PhilHealth president, walang karapatang i-antala ang pagpapatupad ng UHC Law

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: PNA

Walang awtoridad na i-antala ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president at CEO Ricardo Morales ang implementasyon ng Republic Act 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Act, ayon sa Malacañang.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na katumbas ng isang krimen ang gagawin ni Morales kung itutuloy nito ang pagpapaliban sa implementasyon ng nasabing batas.

This is a law that has to be implemented. It is not his (Morales) discretion to implement it or not. If he does, then he commits a criminal act. In fact, he will not just be removed. It is a criminal act. He can be prosecuted because you cannot violate a law passed by Congress (Isa itong batas at kailangan itong ipatupad. Hindi niya (Morales) desisyon kung ipapatupad ito o hindi. Kung hindi, gumawa siya ng krimen. Puwede siyang kasuhan kasi nilabag niya ang isang batas na ipinasa ng Kongreso),” ani Roque.

Ipihayag ito ni Roque matapos banggiting ang tanging paraan lamang upang mapigilan ang pag-implementa ng RA 11223 ay kung magpapasa ng panibagong batas.

Noong Hunyo 16, iminungkahi ni Morales ang pag-antala sa implementasyon ng UHC law dahil sa paubos na badyet aniya ng PhilHealth. Inaasahang nasa P40.7 bilyon umano ang mawawala sa ahensya mula Pebrero 2020 hanggang Enero 2021 dahil sa pananalasa ng Covid-19 krisis.

Subalit, binigyang diin ni Roque na walang kapangyarihan si Morales na magpasya tungkol sa kapalaran ng UHC act.

This is a matter that even the PhilHealth president cannot decide on his own because it is the law (Walang kapangyarihan ang pangulo ng PhilHealth na magpasya ng kanya lamang dahil isa itong batas),” wika ng tagapagsalita ng pangulo.

Ayon naman kay Morales, ang buong pag-implementa ng batas ay posibleng mangyari sa kalagitnaan ng 2021.

Iginiit naman ni Roque na gagawa ng paraan aniya si Duterte at ang mga mambabatas upang pondohan ang implementasyon ng RA 11223 sakaling kailanganin.

Isinabatas ang UHC Act ng pangulo noong Pebrero 20, 2019, upang maipabilang ang lahat ng mga Pilipino sa health insurance program ng pamahalaan.

LATEST

LATEST

TRENDING