Sec. Locsin: “Appeasement” sa China, hindi kabahagi ng foreign policy ng Pilipinas

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
DFA Secretary Teodoro Locsin Jr

Mariing tinanggihan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. na kabahagi ng foreign policy ng administrasyong Duterte ang aniya’y “appeasement” sa China.

Sinabi ni Locsin gumagawa agad ang pamahalaan ng hakbang tuwing may naiuulat na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Aniya, “Every trangression and incursion made by the Chinese, or even just the suspicion of it, is immediately reported to me by General Esperon and we craft a diplomatic note (Sa bawat panggugulo at panghihimasok ng China, o kahit hinala lamang nito, agad itong ipinagbibigay alam sa akin ni Heneral Esperon at agaran kaming gumagawa ng diplomatic note”.

Naunang binanggit ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na hindi makabubuti sa paggiit ng mga karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang palisiyang pag-appease sa China.

Tila nababalewala rin aniya ang naging kapasyahan noong 2016 ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa the Netherlands na pumapabor sa Pilipinas tungkol sa usaping teritoryo saWest Philippine Sea.

Subalit, hindi sinang-ayunan ni Locsin si Carpio at ikinuwentong may ilang beses aniya na iginigiit ni Duterte ang nasabing kapasyahan ng PCA sa mga pagpupulong nito sa China kahit hindi aniya mainit ang pagtanggap dito kung minsan.

Pinag-iisipan naman ng pamahalaan na singilin ng danyos ang China dahil sa pagwasak nito sa ilang mga likas na yaman sa West Philippine Sea, ayon kay Locsin. Tinatayang nasa P200 bilyon ang estimasyon ng pagkawasak ng mga reef systems sa isang bahagi ng West Philippine Sea.

Balak ding singilin ng Pilipinas ang China ng danyos para sa ginawang pambabangga ng isang sinususpetsahang Chinese militia vessel sa Filipino fishing boat na GEM-VER noong nakaraang taon.

Naiwang nagpalutang-lutang ang mga 22 Pilipinong mangingisda nang ilang oras matapos ang pambabangga.

Kasalukuyang pinag-aaralan naman aniya ng Department of Justice (DOJ) ang pagsingil ng kompensasyon sa China para sa mga sakay ng bangkang GEM-VER.

LATEST