Malacañang kay Robredo: Pagbubukas ng klase, hindi maaaring ilipat sa ibang petsa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Larawan mula sa: Department of Education (DepEd)

Hindi maaaring suspindehin ang pagbubukas ng klase hangga’t  walang batas na nag-uutos dito, paliwanag ng Malacañang.

Ipinahayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos imungkahi ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa Department of Education (DepEd) na ilipat na lang sa ibang petsa ang pabubukas ng pasukan kung kailan handa na ang mga paaralan sa pagpapatupad ng distance learning, partikular na para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan.

Well, as far as the actual date of classes (Tungkol sa petsa ng pagbubukas ng klase), may batas po iyan ‘no. We have to comply with the law which is the last week of August. Unless Congress will pass a law providing that we could open on a later date (Kailangan nating sumunod sa nakasaad sa batas – na sa huling linggo ng Agosto ang pasukan at hindi ito maaaring ilipat kung hindi magpapasa ng panibagong batas ang Kongreso),” giit ni Roque.

Ang tinutukoy ng tagapagsalita ng pangulo ay ang Republic Act 7797 o ang “An Act to Lengthen the School Calendar from Two Hundred (200) days to not more than Two Hundred Twenty (220) Class Days,” kung saan pinapahintulutan ang pagubukas ng klase simula unang Lunes ng Hunyo hanggang huling araw ng Agosto.

Noong Hunyo 1, naghain naman ang Senado ng panukalang batas na magbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang pasukan kahit lagpas na ng Agosto habang nasa state of national emergency pa rin ang bansa.

Ang nasabing bill ay naipadala na sa Malacañang ay inaantay na lamang ang pirma ng pangulo.

Itinakda ng DepEd ang pagbubukas ng klase para sa taong 2020-2021 sa Agosto 24 habang ang pagtatapos naman ay sa Abril 30, 2021.

Ayon naman kay Roque, bukas si Duterte sa posibilidad ng pisikal na pagdaraos ng klase sa mga lugar na walang Covid-19 cases.

Nangako namang susunod si DepEd Secretary Leoner Briones sa kahilingan ng pangulo sabay sabing mananatili ang mga mag-aaral sa kani-kanilang mga tahanan at sasailalim sila sa “blended” at “distance” learning habang nasa kasagsagan ng krisis. Kabilang sa palisiyang ito ang paggamit ng radyo, telebisyon, online, at modular learning.

Pinapayagan namang magbukas ang mga pampribadong paaralan at mga state or local universities and colleges (SUCs/LUCs) sa kondisyong hindi magsasagawa ng face-to-face classes bago sumapit ang Agosto 24. Maaari namang magbukas anumang oras sa Agosto ang mga higher Education Institutions (HEIs) na gagamit ng sistemang online sa pagtuturo.

Para naman sa mga HEIs na magsasagawa ng face-to-face o in-person classes, papahintulutan lamang ito simula Setyembre 1.

Inaprubahan naman ang mass gatherings o malawakang pagtitipon ng mga HEIs sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

LATEST

LATEST

TRENDING