Duterte, nagbabalak bumisita sa mga kampong militar sa buong bansa

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Bagama’t nananatili ang banta ng Covid-19 sa bansa, nagbabalak si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang kanyang planong pagbisita sa mga kampong militar sa iba’t-ibang panig ng bansa sa mga darating na araw.

Naunang inanunsyo niya ang planong ito noong Hunyo 22 matapos amining ayaw niya ang patuloy na pagpapatupad ng lockdown bagama’t kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na Covid-19.

“Alam mo sa totoo lang if there is anybody who wants to be out to enjoy and even to live life normally (kung may tao na gustong lumabas at magpakasaya sa buhay), ako.  Ako ‘yung ayaw talaga sa itong lockdown-lockdown.  I hate it. I do not want even myself. (Ayaw ko kung ako ang tatanungin) Pero ang sabi ko sa inyo, kung kayo hindi makatiis at tinamaan kayo, sorry na lang,” giit ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Same is true for me. If I’m reckless enough, then I’d get it because in the coming days I intend to go around the country (Pareho ang kaso para sa akin. Kung hindi ako mag-iingat, baka mahawa ako kasi balak kong mag-ikot sa bansa sa mga darating na araw). Magbisita ako. Magbisita pa ako ng kampo ng mga military. So I’ll just have to take precautions (Kailangan ko na lang mag-ingat).

Kinumpirma naman ang planong ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque at sinabing ang dahilan ng pagbisita ni Duterte sa mga kampong militar ay upang magbigay pugay sa mga sundalo.

LATEST

LATEST

TRENDING