DSWD: Mahigpit na validation process, dahilan ng usad-pagong na SAP distribution

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa: PNA

Ang mahigpit na validation process ng mga local government units (LGUs) sa listahan ng mga benepisyaryo ang itinuturong dahilan sa labis na kabagalahan sa distribusyon ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP), ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Danilo Pamonag.

Sa ginanap na pagdinig sa Kamara, iginiit ni Pamonag na dumagdag pa sa pagkaantala ang pagdagsa aniya ng mga reklamo mula sa mga waitlisted na pamilya.

Bukod dito, idinagdag niyang, “The SAP implementers had a difficult time in delivering the subsidy in geographically isolated and disadvantaged areas particularly in the island municipalities and barangays, which need sea and air transportation support in order to distribute cash aid (Nahirapan din ang mga tagapagbigay ng ayuda lalo na sa mga rural at liblib na mga bayan lalo na ‘yung mga munisipalidad at barangay na nasa isla, kung saan mangangailangan pa ng sasakyang pandagat at panghimpapawid upang maabot ang mga ito)”.

Kinakailangan din umanong sumaiallim sa 14-day quarantine ng ilang SAP implementers dahil sa pagharap ng mga ito sa mga probable at suspected na pasyente ng Covid-19.

Isang rason din sa pagkaantala sa distribusyong ng SAP ang banta sa seguridad mula sa mga rebelde sa ilang mga lugar.

Ayon kay Pamonag, nakapagbigay na ng ayuda sa 17.6 milyong pamilya ang ahensya sa unang bugso ng SAP kung saan aabot sa P99.6 bilyon ang naipamahagi.

Sa mga LGUs naman, 1,560 mula sa 1,634 ang naka-100% na sa kanilang ginagawang distribusyon.

Nagsasagawa rin aniya ang ahensya ng post-validation sa pamamagitan ng muling pag-review sa eligibility ng mga benepisyaryo batay sa mga natatanggap na reklamo; at muling pagsiyasat sa mga duplicate na benepisyaryo sa pamamagitan ng cross-matching ng databases ng SAP-implementing agencies.

Para naman sa limang milyong waitlisted na pamilya, ipapabilang daw sila sa ikawalang bugso ng SAP para sa kabuuang 23 milyong pamilya.

Upang mapabilis ang distribusyon ng SAP, nakipag-ugnayan ang DSWD sa Department of Information and Communications Technology (DICT), USAID, at Developers Connect Philippines upang ilunsad ang ReliefAgad application, isang sistemang automated sa pagbibigay ng ayuda.

“We are anticipating that the conduct of payouts shall be amplified in the following days through house-to-house distribution, premium payouts, and digital platforms (Inaasahan naming mas mapapabilis ang distribusyon sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, premium payouts, at digital platforms,” wika ni Pamonag.

LATEST

LATEST

TRENDING