Cayetano, nais pasimplehin ang proseso sa distribusyon ng SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
House Speaker Alan Peter Cayetano

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa isang pagdinig sa Kamara na tutulong aniya ang Mababang Kapulungan sa paglikha ng mas mabilis at mas simpleng sistema para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gagamitin sa pamamahagi ng ayudang pinansyal sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Sa ginanap na joint hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability at ng Committee on Public Accounts, binanggit ni Cayetano na dapat simplehan lang ang mga requirements at bawasan ang mga hakbang sa proseso ng SAP upang hindi maantala ang pagbibigay ang ayuda.

Aniya, “At the end of the hearing (Sa dulo ng pagdinig), ang gusto marinig ng tao: how and when can we get the best assistance in the fastest way, with the most simple or simplest process and the least requirements. And we will you hold accountable – the bureaucrats that simply don’t get it (paano at kailan makukuha ang ayuda sa mabilis na paraan, sa pinakasimpleng proseso at sa pinaka-konting requirements. Mananagot kayo sa taumbayan – hindi ito naiintindihan ng mga nasa ehekutibo)”.

Ayon kay Cayetano, ang mga itinuturong isyu sa pagiging usad-pagong ng distribusyon ng ayuda ay ang: kumplikadong proseso; napakaraming requirements; sistemang hindi nakakapagtugon sa mga PWD at senior citizens; paglaganap ng katiwalian; banta sa Covid-19; duplication ng mga benepisyaryo; at iba pang mga reklamo sa social media at mainstream media.

Bukod sa pagpapabilis ng proseso, iginiit din ni Cayetano na dapat magkaroon ng house-to-house distribution, transparent na data monitoring system, accessible na mekanismo para sa mga hinanaing, at aktibong komunikasyon sa lahat ng apektadong sektor.

“Our objective for the hearing is simple – Congress wants to help DSWD fulfill the mandate given to them by the President, to assist the Filipino people in times of crisis (Simple lang ang adhikain natin sa pagdinig na ito – Nais tunlungan ng Kongreso ang DSWD na tuparin ang tungkuling ibinigay sa kanila ng Pangulo, ang magpaabot ng tulong sa mga Pilipino sa panahon ng krisis),” pagbibigay diin ni Cayetano.

LATEST

LATEST