Pamahalaan, balak mamigay ng food packs sa mga malnourished na kabataan

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Juan Carlo de Vela (Manila Bulletin)

Nagbabalak ang pamahalaan na mamahagi ng foodpacks para sa mga malnourished na kabataan, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, na siya ring pinuno ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Dahil sa pagbabawal sa pisikal na pagdaraos ng mga klase, sinabi ni Nograles na posibleng magbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga food packs na naglalaman ng gulay, kanin, at nutribuns sa halip na hot meals sa mga paaralan.

Nanawagan din si Nograles sa mga lokal na pamahalaan na bigyan ng prayoridad ang mga mahihirap na pamilyang may mga bata sa pagbibigay ng pagkain upang mapigilan ang malnutrisyon.

The ongoing COVID-19 outbreak compels us to revisit government food security and nutrition programs as we now have to factor in the challenges brought about by this pandemic (Ang kasalukuyang pandemiya ay nag-uudyok sa ating suriing muli ang ating mga programa sa food security at nutrisyon sapagkat nahaharap tayo sa mga bagong hamon bunsod ng pandemiya),” ani Nograles.

Makikipag-ugnayan umano ang task force sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang pagpapatupad ng mga food programs para sa mga mahihirap at malnourished na mga bata, ayon sa Cabinet Secretary.

LATEST

LATEST

TRENDING