Pagtatagpo ng “magkapatid”: Bea, nakipagkita kay Vico para mamigay ng ayuda sa frontliners

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nagkita na ang dalawang “paborito ni mama”.

Ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram post ang kanilang naging pagkikita ni Pasig City Mayor Vico Sotto nang mamigay ito ng relief at medical supplies mula sa organisasyon ng aktres bilang kabahagi ng Father’s Day.

“Hi Mama! Nakilala ko na ang paborito mo!” ani Alonzo sa kanyang post noong Hunyo 20, bilang pagtukoy sa beteranang aktres na si Coney Royes na gumanap bilang ina niya sa pelikulang “Four Sisters and a Wedding”.

Isinalaysay naman ni Alonzo na nakipagkita siya sa alkalde upang ipamahagi ang 100 na relief bags at disinfectants sa ilalim ng “I Am Hope” foundation para sa frontliners ng Pasig City. Pinasalamatan naman ng aktres si Sotto at si Pasig Rep. Roman Romulo para sa kanilang tulong.

In line with Father’s Day, we intend to celebrate the fathers who choose to serve the community by cleaning the streets and picking up our garbage (Sa paggunita ng Father’s Day, nais naming magdiwang kasama ang mga tatay na piniling magbigay ng serbisyo sa komunidad sa pamamagitan ng paglilinis ng kalsada at pamumulot ng basura,” wika ni Alonzo.

Pinasalamatan naman ni Mayor Sotto si Bea para sa kanyang inisyatiba.

Aniya, “Thank you for helping and congrats for the success of (Salamat sa pagtulong at congratulations sa tagumpay ng) @iamhope_org!”

Umani naman ng papuri ang aktres mula sa fans at netizens alinsunod sa kanyang Instagram post.

Imagine all the good you can do together,” giit ni @g3cafe.

OMG the crossover I never thought I needed,” wika naman ni @theshaynego.

Aabot sa ₱9 milyong pinagsamang pera at in-kind donations ang nakalap ng I Am Hope foundation noong Mayo upang gamiting tulong sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

LATEST

LATEST

TRENDING