Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 22 na marami nang mga bansa ang naka “perpekto” na aniya ng bakuna kontra Covid-19.
Aniya, “Ang masabi ko sa inyo na good news, is that we believe, and I believe too, that many countries have now perfected some vaccines. Maybe some are haphazard, kasi madalian eh. The quest for vaccine takes time, years. Dito nagmamadalian, at least we have medicine that would fight COVID”.
Iginiit din ng pangulo na maaaring magdevelop ng immunity ang katawan ng tao laban sa nakamamatay na sakit, subalit maaari pa rin umano itong mahawaan ng coronavirus.
“Actually ang mangyari kasi ‘yan, nabigla, pumasok sa katawan, hindi niya recognized kung ano ‘yun so he has to manufacture, just like what we are doing physically in the outside world. Ang ating body has to fight. Minsan, na-overwhelm, natatalo siya. That’s why you fight for your life inside,” ani Duterte.
Gayunpaman, wala pa ring bakuna ang natutuklasan laban sa Covid-19. Karamihan sa mga dinidevelop na bakuna ay nasa trial stages pa lamang. Wala ring katiyakan aniya na magkakaroon na ng bakuna sa susunod na taon, ayon sa isang dalubhasa.
Nabanggit din ng tanggapan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas na posibleng matagalan pa nang mahigit isang taon bago mailabas ang bakuna kontra Covid-19.
Kasalukuyang nagsasagawa ng human trials ang mga kumpanya mula China, Japan, US, at United Kingdom bilang kabahgi ng kanilang mga hakbang sa pagdevelop ng bakuna laban sa coronavrius.
Naunang ibinalita ng China National Biotec Group (CNBG) na nakapag-trigger ng antibodies ang kanilang experimental coronavirus vaccine. Plano naman nitong maglunsad pa ng late-stage human trials sa iba pang mga bansa.
Inaasahan namang mag-uumpisa ang vaccine trials sa Japan sa Hunyo 30.
Sa ngayon, wala pang lunas ang talagang napapatunayang nakapagbibigay ng lunas sa Covid-19 na kumitil sa buhay ng mahigit 400,000 katao sa buong daigdaig.