Duterte, dadalo sa virtual ASEAN Summit sa Hunyo 26

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa virtual na pagpupulong ng ika-36 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Biyernes, Hunyo 26, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging “busy” aniya ang pangulo sa darating na summit na gaganapin online dahil sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “Ito po ay talagang a big event for all the countries of ASEAN, at magaganap po ito itong linggong ito. So busy po si Presidente sa ASEAN Summit”.

Naunang itinakdang ganapin ang 36th ASEAN Summit sa Vietnam mula Hunyo 27 hanggang 28. Subalit, nakansela ito dahil sa paglaganap ng Covid-19 krisis sa buong mundo.

Noong Abril, nagkaroon ng espesyal na online summit ang mga lider ng ASEAN upang talakayin ang iba’t-ibang hakbang ng rehiyon kontra Covid-19.

Sinabi ni Duterte sa ginanap na summit na lahat ng mga bansa ay nararapat na mabigyan umano ng patas na access sa mga bakuna at gamot laban sa Covid-19.

LATEST

LATEST

TRENDING