BASAHIN: Ika-13 na ulat ni Duterte sa Kongreso

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-13 na lingguhang ulat niya sa Kongreso noong Hunyo 22 alinsunod sa nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act.

Isang importanteng bahagi ng ulat ay ang pagpapaliwanag ni Duterte kung bakit naantala ang pamamahagi ng unang bugso ng ayudang pinansyal mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Sa naturang ulat, inilahad ng pangulo ang limang dahilan kung bakit natagalan ang pagbibigay ng ayuda at ang mga ito ay:

1. Patuloy na pag-request ng mga LGUs na ipabilang ang ilang mga sektor sa listahan ng mga benepisyaryo hanggang sa hindi na nakikipagkooperasyon ang ibang LGUs, habang ang iba naman ay ayaw nang tumanggap ng pondo o i-implementa ang SAP

2. Patuloy na pag-request ng mga LGUs na taasan ang bilang ng mga benepisyaryo sa isang sektor, at i-download ang karagdagang pondo para sa mga pamilyang hindi naman kabilang sa opisyal na listahan

3. Pagbabanta, harassment, at insultong natatanggap ng DSWD at ilang LGU personnel mula sa mga residente, at iba pa

4. Pagka-expose ng ilang DSWD at tauhan ng LGU personnel sa mga indibidwal na Covid-19 positive

5. Postponement sa pamamahagi ng ayuda bunsod ng pagtaas sa bilang ng mga nagpopositibo sa Covid-19 sa komunidad

Basahin ang kabuuan ng ika-13 na ulat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso:

https://www.officialgazette.gov.ph/2020/06/22/report-to-the-joint-congressional-oversight-committee-june-22-2020/

LATEST

LATEST

TRENDING