13,000 katao, nagsauli ng sobrang ayuda

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula: Leyte-Samar Daily Express

Tinatayang nasa 13,000 benepisyaryong nakatanggap ng ayudang pinansyal sa ilalim ng social amelioration program (SAP) ang nagsauli ng sobrang ayuda, batay sa huling datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon din sa ahensya, 22,000 na mga benepisyaryo ang na-duplicate ang ayuda sa ilalim ng SAP.

Maaari aniyang isauli ang sobrang ayuda sa mga tanggapan ng DSWD o di kaya ay sa LGU, kung hindi pa ito nakapag-liquidate. Para naman sa mga 4Ps beneficiaries, ibabawas na lang aniya sa susunod na cash grant ang sobrang ayudang natanggap.

The local governement unit will refund the amount that was given to ineligible beneficiaries, including (Ire-refund ng LGU ang ibinigay sa hindi kwalipikadong benepisyaryo kabilang) ‘yung doon sa duplicate. And then the local government unit will now enter into an agreement with the beneficiary, para naman doon sa pagsauli ng amount that was paid in excess (Makikipag-areglo naman ang LGU sa mga benepisyaryong nakatanggap ng sobrang ayuda),” paglilinaw ni Dir. Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD.

Inamin naman ng Malacañang na isa sa mga dahilan kung bakit naging usad-pagong ang pamamahagi ng ayuda ay dahil sa duplication ng mga benepisyaryo. Subalit, iginiit naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mabibilisan ang pamamahagi sa pangalawang bugso nito dahil gagawin na itong automated.

1.4 milyon 4Ps benepisyaryo na ang nakatatanggap mula sa ikalawang bugso ng ayuda sa ilalim ng SAP.

LATEST

LATEST