Solo parents at tricycle drivers, nakatanggap ng ayuda sa Lungsod ng Davao

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Larawan mula sa : Office of Rep. Paolo “Pulong” Duterte

Namahagi ng food packs at ayudang pinansyal sa 997 na manggagawang kapos-palad noong Hunyo 21 ang opisina ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte, sa tulong ng Department of Labor and Employment Region 11 (DOLE-11).

Batay sa datos ng Office of the Congressman,  tinatayang nasa 683 na manggagawang solo parents at 314 na tricycle drivers ang nakatanggap sabsidiya mula sa pamahalaan bilang tulong sa gastusin sa pahanon ng krisis.

Ayon kay James Michael Vergara, representatibo ng opisina ni Rep. Duterte, pinasalamatan ni “Pulong” si DOLE Secretary Silvestre Bello III para sa agarang pagresponde sa hiling nitong makapagbigay ng ayudang pinansyal sa mga benepisyaryo.

Bukod sa ayudang pera, patuloy din ang pamamahagi ng opisina ni Pulong ng food packs para sa mga apektadong manggagawa.

Pinasalamatan naman ng solo parent na si May Batulat si Duterte para sa suportang ibinibigay nito sa mga solo parents at sa iba pang mahihirap na manggagawa.

Malaking tulong na aniya ang ayudang natanggap para sa pamumuhay ng kanyang pamilya.

Ang distribusyon ng mga food packs ay naka-pokus sa mga “poorest of the poor” mula sa lahat ng 54 barangays sa loob ng unang congressional district, ani Vergara.

Maglulunsad pa aniya ng mga karagdagang programa ang opisina ni Pulong sa mga darating na araw.

LATEST

LATEST