Mga modernong jeepney, balik-pasada sa 15 na ruta sa Metro Manila

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Rommel Vida (CNN PH)

Tinatayang nasa 300 modern jeepneys ang babaybay sa 15 na ruta sa Metro Manila simula Lunes, Hunyo 22.

Nasa 318 modern jeepneys ang pinahintulutang pumasada sa mga rutang ito:

1. Novaliches – Malinta via Paso de Blas

2. Bagumbayan Taguig – Pasig via San Joaquin

3. Fort Bonifacio Gate 3 – Guadalupe-Market Market-ABC Loop Service

4. Pandacan – Leon Guinto

5. Quezon Avenue – LRT 5th Avenue Station

6. Cubao (Diamond) – Roces Super Palengke

7. EDSA Buendia-Mandaluyong City Hall via Jupiter, Rockwell

8. Divisoria-Gasak via H. Lopez

9. Punta-Quiapo via Sta. Ana

10. Boni Pinatubo – Stop and Shop, vice versa

11. Boni Robinson’s Complex-Kalentong/JRC vice versa

12. Nichols-Vito Cruz

13. Filinvest City Loop

14. Alabang Town Center (ATC)-Ayala Alabang Village

15. Vito Cruz Taft Avenue-PITX Loop Service

Ito lamang ang unang bahagi sa ikalawang bugso ng muling pagbabalik-pasada ng pampublikong transportasyon sa Kalakhang Maynila. Inaasahang mas maraming ruta ang bubuksan sa susunod na linggo.

Siyam na ruta ang magbubukas sa Miyerkules, Hunyo 24:

1. Bagong Silang – SM Fairview

2. Malanday – Divisoria via M.H. del Pilar

3. Parang, Marikina – Cubao

4. Eastwood, Libis – Capitol Commons

5. Gasak – Recto via Dagat-dagatan

6. PITX – Lawton

7. Alabang – Zapote

8. PITX – Nichols

9. PITX – SM Southmall

Sampung ruta ang magbubukas sa Biyernes, Hunyo 26:

1. Quirino Highway – UP Town Center

2. SM Fairview – Commonwealth via Regalado Ave.

3. QMC Loop

4. Tikling – Binangonan

5. Antipolo – Pasig via East Bank Road

6. Rosario – Pinagbuhatan Pasig

7. West Avenue – P. Noval via Del Monte

8. Biñan – Balibago via Manila South Road

9. Tramo – Sucat

10. San Isidro – Congressional Junction Dasmarinas

Bagama’t unti-unting tumataas ang bilang ng mga pampublikong transportasyon sa kalye, haggang sa 20% – 50% passenger capacity lamang ang pinapayagan sa mga modernong jeepneys upang masigurong masusunod ang isang metrong physical distancing. Wala namang pasaherong nakatayo ang papahintulutan.

Ang minimum na pamasahe sa parehong non-air-conditioned at air-conditioned public utility jeepneys ay mananatili sa ₱11 para sa unang apat na kilomtero. Subalit, magdadagdag naman ng ₱1.50 ang mga non-air-conditioned units sa bawat karagdagang kilometro, habang ang mga air-conditioned jeeps ay maniningil ng karagdagang ₱1.80.

Ipag-uutos din sa mga jeepney operators na magpatupad ng sistemang automated sa pagbabayad ng pamasahe katulad ng GCash, Paymaya, at Squidpay, partikular na kung wala itong makina kung saan maaaring i-tap ang mga Beep cards.

Kinakailangan din ang pagkakaroon GNSS (global navigation satellite system) or GPS (global positioning system) ng mga modernong jeepeney para mas madaling maisakatuparan ang contact tracing.

Ang mga UV Express units kasama ang mga tradisyunal na jeepney naman ay papayagan nang bumiyahe sa dulo ng buwan.

Samantala, isinasapinal naman ng isang technical working group sa ilalim ng pamahalaang nasyonal ang mga panuntunan sa pagbabalik-operasyon ng mga motorcycle taxis.

LATEST

LATEST

TRENDING