Malacañang, ipinauubaya sa PhilHealth ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
PhilHealth President at Chief Executive Officer Ricardo Morales

Ipinauubaya ng Malacañang kay Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President at Chief Executive Officer Ricardo Morales ang pagpapasya sa implemenatsyon ng Universal Health Care (UHC) Act o Republic Act 11223.

Sa pagdinig ng Kamara noong Hunyo 16, iginiit ni Morales na kinakailangang i-delay ang pag-implementa ng Universal Health Care dahil sa kakulangan aniya ng pondo. Subalit, kinuwestyon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa mga alegasyon ng katiwalian sa PhilHealth.

Pinaalalahanan ni Roque, isa sa mga prinsipal na awtor ng batas, si Morales na sinertipikahang “urgent” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas upang matiyak ang pagpasa nito sa Kamara.

I leave it to General Morales (Ipinauubaya ko ito kay General Morales), kung sa tingin niya ako lang ang nagsasalita, think again. Bagama’t ako po ang nagsulong ng Universal Health Law, certified urgent po iyan ng Presidente,” ani Roque.

Dagdag pa ni Roque, responsibilidad ni Morales kung hindi nito tutugunan ang mga katiwalian ng PhilHealth.

Aniya, Uulitin ko po itinalaga siya matapos na-dismiss ang buong board at ang dating presidente dahil sa alegasyon ng korapsyon. Kung talagang sa tingin po niya ay walang dapat gawin sa korapsyon, I leave it to him (Siya ang bahala).

Naunang sinabi Roque na magre-request ito kay Pangulong Rodriog Duterte na magtakda ng pagpupulong kasama si Morales upang talakayin ang iba’t-ibang suliraning bumabalot sa PhilHealth.

Iginiit ni Roque na ilang mga opisyal ng PhilHealth ay sangkot pa rin umano sa mga iregularidad sa ilalim ng liderato ni Morales. Binanggit din ng tagapagsalita ng pangulo na nababahala si Duterte dahil sa patuloy na kurapsyon sa PhilHealth.

Noong Hunyo 2019, nakiusap si Duterte kay dating PhilHealth acting president Roy Ferrer at ilang board members na magbitiw sa puwesto dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa iregularidad sa pagbibigay ng serbisyo at sa pagpapatupad ng Universal Health Care Act.

Ang Universal Health Care Act, na nilagdaan ng pangulo noong Pebrero 20, 2019, ay awtomatikonag ipinapabilang ang lahat ng mga Pilipino sa health insurance program ng gobyerno.

LATEST

LATEST