Duterte, inaasahang isusumite ang ika-13 na ulat sa Kamara sa Lunes, Hunyo 22

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Pangulong Rodrigo Duterte

Inaasahan ang pagsusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang ika-13 na ulat sa Kamara sa Lunes, Hunyo 22. Posible itong ilabas sa parehong araw.

Sa kanyang huling ulat, sinabi ng pangulo na P99,827,981,800 ang mga naipamahaging ayudang pinansyal mula sa pamahalaan para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. Inaasahan naman ang pagbibigay nito ng update tungkol sa pagpapatupad ng ikalawang bugso ang social amelioration program (SAP) na inumpisahan noong nakaraang linggo.

Nag-aabang naman ang ilang grupong manggagawa at mga negosyante tungkol sa mga programang magbibigay tugon sa kanilang lubos na naapektuhan sa krisis pang-ekonomiya bunsod ng Covid-19 pandemic.

Posible ring magbigay ng komento ang pangulo hinggil sa isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa mga alegasyon ng anomalya tungkol sa pagresponde sa Covid-19 krisis na kinasangkutan ng ilang opisyal ng Department of Health (DOH), kabilang na si DOH Secretary Francisco Duque III.

Sa kanyang huling public address noong Hunyo 15, pinalawig ng pangulo ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila hanggang sa dulo ng buwan alinsunod sa naging rekomendasyon ng Covid-19 task force. Ang Cebu City naman ay ibinalik sa enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagtaas sa bilang ng mga kaso.

Posible ring talakayin ni Duterte ang pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (LSIs) at ang muling pag-arangkada ng pamupublikong transportasyon.

Bukod sa pagsusumite ng ika-13 na ulat sa Kamara, inaasahan ding mag-aanunsyo sa taumbayan si Duterte sa Lunes, Hunyo 22, upang pag-usapan ang iba pang mga paksa tungkol sa Covid-19 krisis at ang iba’t-ibang hakbang na ginagawa ng gobyerno para tugunan ito.

LATEST

LATEST

TRENDING