Badyet ng DOST sa 2021, maglalaan ng pondo para sa Covid-19 vaccine trial

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Sinang-ayunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang paglalaan ng pondo para sa partisipasyon ng bansa sa World Health Organization Solidarity Trial – na naglalayong mag-develop ng bakuna kontra Covid-19.

The allocation of the necessary funding for the participation in the said trials [will] be proposed in the 2021 budget of the Department of Science and Technology (Ang alokasyon ng kakailanganging pondo para sa partisipasyon sa naturang trials ay ilalaan sa 2021 badyet ng DOST) ,” pahayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa inilabas na Resolution No. 47.

Ito ay alinsunod sa inaprubahang rekomendasyon ng isang sub-technical working group na pinangunahan ng DOST. Inaprubahan din ang paggawa ng isang hiwalay na panel sa loob ng working group upang magbigay ng technical support para sa mga lokal na phramaceutical companies.

Makikipagkooperasyon din ang Pilipinas sa ilang mga Chinese at Taiwanese organizations para sa vaccine trials. Naunang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaasahang lalahok ang bansa sa mga clinical trials sa dulong bahagi ng taon.

Umaasa naman ang pamahalaan sa China na magdedevelop ito ng bakuna kontra Covid-19, na nagmula sa Wuhan, China noong Disyembre 2019. Sinabi rin ng Palasyo na tiniyak ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyang prayoridad ang Pilipinas sakaling makatuklas ng bakuna ang China.

LATEST

LATEST