PH Team, nangibabaw sa pagbubukas ng FIBA E-sports Open

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Nilupig ng Philippine NBA 2K team sa FIBA E-sports Open series ang koponan ng Indonesia noong Hunyo 19 sa dalawang magkasunod na tagumpay.

Sa pagbubukas ng Pilipinas ang account nito, wire-to-wire, naipanalo ng koponan ang laro sa score na 56-29. Bago mag halftime, muli itong nagwagi sa Game 2 sa score na 64-30.

“From the start, talagang ang order sa amin, ‘Shoot to kill,’ as in from (the) first quarter to the fourth quarter, kahit tambak yan ng 20, 30, or a hundred,” pagtugon ni Team Captain Philippe Herrero kung bakit sinikap pa rin nilang galingan ang paglalaro bagama’t tinambakan na nila ang kabilang koponan.

Namayagpag ang manlalarong si Aljon Cruzin sa parehong laro na naka-score ng 22 points, tatlong rebounds, at pitong assists sa Game 1. Nakakuha naman ito ng 23 points, isang rebound, at tatlong assists sa Game 2.

Posibleng makapasok ang Philippines sa best-of-five Southeast Asian Conference championship series sa Game 3 sa Hunyo 20.

Gayunpaman, muling maghaharap ang Pilipinas at Indonesia sa Game 4 (Hunyo 20) at Game 5 (Hunyo 21).

LATEST

LATEST

TRENDING