DepEd, nilinaw na hindi required ang online learning

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Muling iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi nire-require sa mga mag-aaral na bumili ng mga gadyet o mag-attend ng online classes sa pagtransisyon ng bansa sa sistemang “blended” learning sa pagbubukas ng pasukan sa Agosto.

Inulit ng DepEd ang paalala matapos magpakamatay ang isang 19-anyos na mag-aaral mula sa Barangay Fidel Surtida, Santo Domingo, Albay matapos mabahala sa mga gastusin sa pagpapatupad ng online learning. Nakiramay naman ang ahensya sa pamilya ng nasawi.

Binigyang diin ng DepEd na isa lamang opsyon ang online learning habang ipinagbabawal pa ang pisikal na pagdaraos ng klase.

We are not blind to the reality that not every learner has the same resources. We are continuously setting up policies, plans, and processes that are inclusive and responsive to the realities to ensure no learner will be left behind during this crisis and beyond (Hindi kami bulag sa realidad na hindi pare-pareho ang katayuan ng bawat mag-aaral. Patuloy kami sa pagpapatupad ng mga plano, palisiya, at mga hakbang na titiyaking walang maiiwan na mag-aaral sa kasagsagan ng krisis),” ayon sa pahayag ng ahensya.

Dagdag pa, “Preparations are underway to implement home-based learning through any or a blending of TV, radio, online, and printed modules. These modes will be offered accordingly depending on the capacity of our learners’ households (Kasalukuyang inihahanda ang pagpapatupad ng home-based learning sa pamamagitan ng TV, radyo, online, at printed modules. Ang pagbibigay ng modules ay nakapende sa kapasidad ng bawat pamilya ng estudyante).”

Natakdang mag-umpisa ang pasukan sa Agosto 24 at magtatapos naman sa Abril 2021.

Bukod sa pinaghalong online at printed modules, balak din ng DepEd na gamitin ang mga pampublikong istayon ng TV at radyo para maisakatuparan ang distance learning sa mga rural na pook.

Bagama’t sinabi ng pangulo na hindi niya papayagan ang pisikal na pagdaraos ng klase hangga’t wala pang bakuna kontra Covid-19, posible naman aniya itong isagawa sa mga lugar na walang kaso ng Covid-19 ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

LATEST

LATEST

TRENDING