Transport coalition, iminungkahi ang service contracting para sa sektor ng transportasyon

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media
Kuha ni: Joey O. Razon (PNA News)

Nanawagan sa pamahalaan ang Move As One, isang koalisyon ng mga transport advocates na maglunsad ng sistemang “service contracting” para mabigyan ng regular na kita ang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon na labis na naapektuhan sa pananalasa ng Covid-19 pandemic.

Sa isang inilabas na pahayag noong Hunyo 17, iginiit ng Move As One Coalition na ang pagbabawas sa kapasidad ng mga upuan sa mga pampublikong sasakyan ay magdudulot ng malawakang pagkalugi sa sektor ng transportasyon.

To avoid this risk, the government should move immediately to charter or contract public transport operators and pay them on a fee per day or fee per kilometer basis, with all fare revenue collected by the government (Upang maiwasan ito, kinakailangang kontratahin ng pamahalaan ang mga public transport operators at bigyan sila ng arawang sahod o di kaya ay sa per kilometer basis, at lahat ng kikitaing pamasahe ay mapupunta sa gobyerno),” ani Move As One.

Ipinaliwanag ng koalisyon na sa ganitong paraan, magiging pirmi ang kita ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon sapagkat hindi na ito nakadepende sa bilang mga pasaherong maisasakay sa bawat pagpasada. Iminungkahi rin ng grupo na magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng ganitong sistema.

Bukod sa service contracting, nanawagan din ang koalisyon sa parehong nasyonal at lokal na pamahalaan, na magtayo ng mga dekalidad na imprastraktura pasa sa mga pedestrian at siklista; magpatupad ng bike sharing at bike rental programs; at mag-install ng mga bike racks upang maisulong ang aktibong pamamaraan ng transportasyon tulad ng paglalakad at pagbibisikleta.

Promoting the use of bicycles will bring about huge advantages in terms of reducing traffic and congestion (Malaki ang maibabawas sa trapiko at paninikip sa pagsusulong sa paggamit ng mga bisikleta),” pagbibigay diin ng grupo.

LATEST

LATEST

TRENDING