Sen. Pangilinan, tinuligsa ang DILG sa pagbibigay prayoridad sa Anti-Terror Bill

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Senador Francis “Kiko” Pangilinan

Binanatan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa pagbibigay nito ng prayoridad na ikampanya ang pagpasa sa Anti-Terrorism Bill sa halip na tulungan ang Department of Health (DOH) sa mga isinasagawang hakbang sa contact tracing.

Naunang ibinalita ng DILG na tinatayang 784 na mga lokal na opisyal ang naghapahayag ng pagsuporta sa panukalang batas, na naglalayong paigtingin ang laban ng bansa kontra terorismo. Kabilang dito ang 43 na gobernador, 68 city mayors at 673 municipal mayors.

Umani ng batikos ang naturang bill dahil sa hindi malinaw na kahulugan aniya ng pagiging terorista na maaari umanong magdulot ng pag-abuso sa mga karapatang pantao. Isa lamang si Pangilanan sa dalawang senador na tumutol sa pagpasa ng bill.

Aniya, “Kesa bigyang pokus ng DILG ang mas maigting at malawakang contact tracing at pagtulong sa mga locally stranded individuals… nagawa pa ng DILG isingit ang usapin ng anti-terror bill”.

“Suporta nga ba, o ‘loyalty check’ para sa mga kaalyado ng administrasyon?” dagdag pa ng senador.

Itinanggi naman ng DILG na pinilit nila ang mga lokal na opisyal na mabigay suporta sa Anti-Terror Bill.

It is an affront and insult to the dignity, intelligence, and integrity of all local government officials nationwide who have freely expressed their support to the bill that was passed recently by Congress (Isa itong insulto sa dignidad, katalinuhan, at integridad ng mga lokal na opisyal sa bansa na malayang nagpahayag lamang ng kanilang pagsuporta sa panukalang ipinasa ng Kamara),” ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

LATEST

LATEST

TRENDING