Roque: Hatol kay Maria Ressa, kaso lamang ng “bad journalism” at “bad lawyering”

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Aaron Favila (AP Photo)

Noong Hunyo 15, inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 46 sa pangunguna ni Judge Maria Rainelda Estacio-Montesa ang desisyon tungkol sa isinampang cyber libel case ng negosyanteng si Wilfredo Keng laban sa CEO ng Rappler na si Maria Ressa at ang dating mananaliksik nitong si Reynaldo Santos, Jr.

Sa isang panayam, sinabi ni Roque na mali ang ginawa ni Ressa na atakehin ang buong sistema ng hudikatura dahil lamang sa kapasyahang inilabas ng korte.

The poor judge cannot defend her decision. The decision speaks for itself. That is her defense (Hindi na maipagtanggol ng judge ang kanyang desisyon. Ang desisyon niya ang nagsisilbi niyang depensa),” ani Roque na isa ring abogado.

Dagdag pa nito, “There is no suppression of freedom of the press. It was a case of bad journalism. It was a case of bad lawyering (Walang pagsupil sa kalayaan ng pamamahayag. Nagkataon lamang na may maling ginawa sa pagpapahayag at mali rin ang naging depensa rito ng mga abogado)”.
 
Si Wilfredo Keng ang naging paksa ng isang artikulo sa Rappler na isinulat noong Mayo 2012 na ikinuwentong ipinagamit aniya ang mamahaling sasakyan ng negosyante kay dating Chief Justice Renato Corona. Inilarawan din si Keng na mayroong kahina-hinalang nakaraan.

Nagpahayag naman ng pagsuporta kay Ressa ang dating US Secretaries of State na sina Hillary Clinton at Madeleine Albright. Samantala, nabahala naman ang US State Department tungkol sa kapasyahang inilabas ng RTC at nanawagan para sa “resolusyon ng kaso” batay sa magkaparehong prinsipyong pinaniniwalaan ng Pilipinas at Amerika sa pagpapahalaga sa malayang pamamahayag.

Ayon naman sa European Union, ang naging kapasyahan laban kay Ressa at Santos ay isang pagbabanta sa kalayaang magpahayag at sa pagiging sagrado ng batas sa Pilipinas.

Iginiit ni Ressa na patas ang pagtrato nito kay Keng sa inilabas na artikulo. Paliwanag niya, “You can also see by the way that that is a public interest article, that it wasn’t about Mr. Keng. It was about a chief justice on trial being impeached at that point in time, and his ties to business and the kinds of influence-peddling that could be happening (Makikita nating hindi ito tungkol kay Keng kundi tungkol sa taumbayan. Tungkol ito sa Chief Justice na sumasailalim sa impeachment noong panahong iyon at ang kanyang mga koneksyon sa negosyo at iba pang mga pag-impluwensyang maaaring nangyari)”.

Malaki raw aniya ang implikasyon nito sa buhay ng bawat Pilipino.

Imagine, to do this, to actually have to face this verdict in court, to bring this to court, they had to change the statute of limitations. The period of prescription of libel is 1 year; it’s now been changed to 12 years. And then this very – we obviously say it’s a wrong idea – this novel concept put forward that the judge accepted is that, this changing (of) one letter in one word is republication or continuous publication (Sa paglabas ng hatol, binago nila yung patakaran sa limitasyon. Nakasaad sa batas na isang taon ang limitasyon sa pagsasampa ng libel; subalit ngayon bigla itong naging 12 taon. Mali ang naging pagpapasya ng judge dahil lamang sa pagbabago ng isang salita),” giit ni Ressa.

Ginamit ng kampo ni Keng ang anggulong “republication” bilang basehan upang maging saklaw ang inilathalang Rappler article sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act. Noong Oktobre 2017, isinampa ang kaso laban sa Rappler.

Samantala, binigyan ng korte sina Ressa at Santos ng 15 araw para umapela sa inilabas na hatol. Sila ay nahaharap sa anim na buwan hanggang anim na taong pagkakabilanggo.

LATEST

LATEST

TRENDING