Ombudsman, paiimbestigahan ang mga anomalya sa SAP

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Share to social media

Magsasagawa ng imbestigasyon ang Office of the Ombudsman tungkol sa pamamahagi ng ayudang pinansyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nakatanggap ang kanilang opisina na aabot sa 30 reklamo hinggil sa mga ipinamamahaging sabsidiya mula sa pamahalaan. Kasalukuyang pinag-aaralan pa aniya ng ahensya kung maglulunsad ito ng direct investigation o di kaya ay ipadadaan muna sa fact-finding committee batay sa nakalap na datos.

Inamin naman ni Martires na posibleng magkaproblema ang imbestigasyon dahil kulang aniya ang mga isinusumiteng dokumento sa kanila – mula sa listahan ng mga benepisyaryo hanggang sa mga pangalan ng mga barangay captain. Matapos makatanngap ng ilang ulat, ipinag-utos naman nito sa mga awtoridad sa magtungo sa Recto at siyasatin kung may mga nagbebenta ba ng pekeng ID para makakuha ng ayuda.

I think we’ll have a hard time finding out ‘yung fake claimants (Mukhang mahihirapan tayong tukuyin ang mga pekeng benepisyaryo),” ani Martires matapos lumabas ang ulat na 22,000 na mga pangalan ng mga benepisyaryo ay na-duplicate ayon Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Makikipag-ugnayan din ang Ombudsman sa Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa nakalap na datos na maaaring gamitin sa imbestigasyon.

LATEST

LATEST

TRENDING