Ombudsman, pinalawak ang imbestigasyon tungkol sa mga anomalya ng DOH

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Kuha ni: Grig C. Montegrande (Inquirer)

Pinalawak ng Office of the Ombudsman ang isinasagawang imbestigasyon tungkol sa aniya’y kapabayaan ng Department of Health (DOH) sa paghawak nito sa Covid-19 krisis sa bansa. Kabilang sa mga iimbestigahan ay mismong si DOH Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal.

Sa isang pahayag, bumuo ng dalawang karagdagang pangkat si Ombudsman Samuel Martires at ipinag-utos ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga opisyal ng DOH na aniya’y umiiwas sa imbestigasyon tungkol sa maanomalyang pagbili ng mga Covid-19 test kits.

Ilan sa mga paiimbestigahan ay ang:

  • pagkaantala sa pagbili ng mg PPEs at iba pang medical gear ng mga health workers
  • mga iregularidad na ikinamatay ng ilang health workers
  • usad-pagong na pagproseso sa mga benepisyo health workers na malubhang tinamaan o di kaya ay nasawi dahil sa Covid-19
  • Ang nakalilito at delayed na pag-uulat sa bilang ng mga kaso ng Covid-19

Iginagalang naman ng Malacañang ang inilunsad ng imbestigasyon ng Ombudsman.

The Ombudsman, as we all know, is an independent constitutional body; thus, we will let the process run its course as we enjoin Secretary Duque and the entire DOH bureaucracy to cooperate with the investigation and respect the orders of the OMB (Ang Ombusman, ay isang malayang tanggapan sa ilalim ng Konstitusyon. Dahil dito, hahayaan natin silang magsagawa ng imbestigasyon at inaanyayahan natin sina Secretary Duque at ang buong DOH na makipagkooperasyon sa imbestigasyon ng OMB),” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Malugod namang tinanggap ng mga ilang senador ang hakbang na ginawa ng Ombudsman.

About time. I can only hope that this time around, the investigation will bear fruit and find those concerned liable and suffer the consequences of their misdeeds in taking advantage of the COVID-19 crisis for self-aggrandizement unlike the agricultural smuggling case that I personally filed against Faeldon et al which continues to languish in the dustbin of the Ombudsman for an unusually long period of time (Sana maganda ang kalalabasan ng imbestigasyon ngayon at tuluyang mapanagot ang mga may kasalanan, hindi katulad ng isinampa kong imbestigasyon laban kay Faeldon na nananatiling nakabinbin sa Ombudsman nang pagkatagal-tagal na),” wika ni Senador Panfilo Lacson.

Tinutukoy ng senador ang isinampang reklamo laban kay dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon noon pang 2017 dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Iginiit naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat mapanagot ang mga opisyal na palpak ang pamamalakad sa mga ipinatutupad na palisiya laban sa Covid-19 pandemic.

Aniya, “We have seen irregularities or negligence in the purchase of PPEs and even in the pricing of Philhealth’s COVID-19 test package. The Ombudsman should look into these (Nakita natin ang ilang iregularidad sa pagbili ng mga PPE at sa test package price ng Philhealth. Dapat ding tignan ito ng Ombudsman)”.

The lapses they committed have exposed to risk the welfare of the entire nation. Secretary Duque, in particular, has failed in his job. The people have every right to demand accountability (Napahamak ang buong bansa dahil sa kapabayaan nila. Hindi ginawa ni Secretary Duque nang maayos ang kanyang tungkulin. Dapat magkaroon sila ng pananagutan sa taumbayan),” dagdag pa nito. 

Ayon naman kay Senador Bong Go, ang ginawa ng Ombudsman ay batay sa Saligang Batas.

The Filipino people deserve a fair and impartial investigation in order to shed light on these alleged anomalies and also for concerned officials to have an opportunity to clear their name (Nararapat lamang ang isang patas na imbestigasyon upang maliwanagan ang mga mamamayan sa mga anomalya ng mga opisyal at upang mabigyan na rin ang mga ito ng pagkakataong malinis ang kanilang mga pangalan). Karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan,” pagbibigay diin ni Go.

Naunang ipinanawagan ng ilang mga senador ang pagbibitiw ni Duque bilang pinuno ng DOH. Subalit, nananatiling buo pa rin ang tiwala ng pangulo sa kalihim.

LATEST

LATEST

TRENDING