Duterte, “masigla” matapos makauwi ng Davao City

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram
Pangulong Rodrigo Duterte

“Masigla” ang pakiramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos itong makauwi kamakailan sa Lungsod ng Davao, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Binanggit ito ni Roque matapos magkaroon ng espekulasyong nanatili nang matagal ang pangulo sa kanyang tahanan dahil may iniinda itong karamdaman.

Malakas na malakas po ang Presidente, nagyayabang pa nga siya, na pagkatapos niyang mag-stay sa Davao after 67 days sa Manila ay nawala ang kaniyang tiyan no,” ani Roque.

Dagdag pa niya,masigla po ang Presidente, wala pong dahilan para tayo ay magkaroon ng concern sa kaniyang kalusugan”. 

Noong Hunyo 4, nakipagpulong ang pangulo sa ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at nanatili hanggang Hunyo 14 bilang kabahagi aniya ng opisyal na tungkulin.

Iginiit ni Roque na hindi lamang umuwi si Duterte sa Davao upang makipag-reunion sa pamilya kundi upang “siyasatin” ang sitwasyon sa Mindanao.

Bago ang pananalasa ng Covid-19 pandemic, madalas umuwi tuwing weekend ang pangulo sa Davao City upang makapiling ang kanyang pamilya.

Nanatili naman si Duterte sa Maynila sa buong panahon ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ), ang pinakamahigpit na uri ng community quarantine, upang masubaybayan ang mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan kontra Covid-19.

Noong Marso, nagnegatibo sa Covid-19 si Duterte matapos sumailalim sa testing.

Noong Nobyembre 2019, inamin ng 75-anyos na si Duterte na may negatibong epekto na sa kanyang kalusugan ang kanyang edad habang hinihikayat ang media na huwag nang itanong sa kanya ang estado ng kanyang kalusugan.

Aniya, normal lang ang pagkakaroon ng karamdaman habang nagkaka-edad.

Ang Presidente, matanda na. Wag kayong magtanong kung ang Presidente may sakit na. Lahat ng sakit nandito na sa akin kasi matanda na nga ako,” paliwanag ng pangulo.

Kasalukuyang iniinda ni Duterte ang migraine at Buerger’s disease, isang implamasyon ng small- at medium-sized blood vessels. Nagkaroon din ito ng muscle spasms matapos maging biktima sa isang aksidente habang nagmomotorsiklo.

Naglabas naman ito ng medical bulletin upang linawin na hindi “seryoso” ang kanyang mga iniindang karamdaman.

LATEST

LATEST

TRENDING